^

PSN Showbiz

Xian mahina ang memorya!

Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasa Promenade, Greenhills kami ng ilang mga kaibigan noong isang gabi nang makita ko si Kim Chiu.

May mga kasama si Kim at isa sa mga ‘yon ay lalaking matangkad na naka-cap. Sabi ng isa sa kasama ko, si Xian Lim ‘yon.

Nang katsikahan ko na si Kim, sabi niya, manonood daw sila ng sine.

Si Xian naman, dedma lang, hindi nambati, pero nang magpa-picture ang isang kasama nila kay Alvin Teng na isa sa dalawang kasama ko that night, bumati naman sa kanya ang rumored boyfriend ni Kim.

Ako naman, ang topic ng tsikahan namin ni Kim ay ang dalawang stylist niya na kinuhang stylist ni Ruffa Gutierrez para sa cruise shoot ng It Take Gutz to be a Gutierrez reality TV show ng E! international channel.

Tinanong ako ni Kim kung kasama ba ang mga stylist niya sa cruising namin, pero sabi ko, ang alam ko, ihahanda na nila ang mga susuotin ni Ruffa para roon at hindi na sila kasama.

“Ay, tiyak mas matutuwa sila kung kasama sana sila,” sey ni Kim.

Anyway, always pleasant na katsikahan ko si Kim kahit paminsan-minsan lang kaming nagkikita. Mabait talaga siya sa akin, kahit pa nga sa ibang entertainmengt press ay nagkakaroon siya ng issue kung minsan.

Nang magkasabay nga rin kami sa pagpunta sa Los Angeles, California noong May 2012, grabe rin ang tsikahan namin nina Ruffa sa Mabuhay Lounge ng Philippine Airlines.

Kinunan ko pa nga sila ng litrato ni Ruffa na naka-display ang bags nila na parehong-pareho.

Anyway, going back sa tsikahan namin, habang tsika-tsika sa akin si Kim, talagang dedma si Xian.

Marahil ay hindi pa rin ako kilala ni Xian hanggang ngayon.

Kung sabagay, sampung beses na akong naipakilala sa kanya ng handler niya at kumare ko na si Gidget dela Cuesta noong araw, pero never nga akong nag-register sa kanyang kamalayan, kaya nang ipakilala na naman ako sa kanya ng handler niya at kumare ko, sinabihan ko na noon si Gidget na huwag na lang dahil parang nakakainsulto nga na sa tuwing ipinakikilala niya ako sa kanyang alaga ay parang palaging first time pa lang ako na ini-introduce rito.

Nakakahiya naman, siguro nga, feeling ni Xian, superstar na siya, kaya ganoon kung makaasta ito.

Pero, teka! Maging si Nora Aunor na totoong superstar ay sobrang PR at madaling makatanda ng mga taong ipinapakilala rito, pero si Xian, kakaiba siya, parang one of a kind, huh!

vuukle comment

ALVIN TENG

GIDGET

IT TAKE GUTZ

KASAMA

KIM

KIM CHIU

LOS ANGELES

MABUHAY LOUNGE

RUFFA

XIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with