^

PSN Showbiz

Jericho nakikipaglaban na rin kay Mali

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Isa lamang si Jericho Rosales sa mga artistang naki-join sa kampanya ng grupong PETA (People for the Ethical Treatment of Animals) na mailipat ang elepanteng si Mali mula sa kanyang kinalalagyan sa Manila Zoo sa isang mas komportableng lugar na kung saan ay maluwag siyang makakakilos at makatatanggap ng tulong na medikal at para magamot na rin ang kanyang paang may pinsala. Kailangan din niya ng mga kasamahang elepante ’di tulad sa Manila Zoo na nag-iisa lamang siya.

Kasama ni Jericho sa kanyang magandang mit­hiin para kay Mali si­na Charice, Aiza Se­guerra, Dingdong Dantes, Kim Chiu, Xian Lim, Sam Milby, Marian Rive­ra, ang miyembro ng The Beatles na si Paul McCartney at marami pang celebs.

Aljur komportable agad kay Louise

Kung ang ka-partner niyang si Louise delos Reyes ay napaka-confident at walang katakut-takot na baka makasabay nang pagpapalabas ng tele­ser­ye nilang Kambal Sirena, na isa pang kuwento ng sirena sa kanilang GMA7, wala ring pangamba na nararamdaman si Aljur Abrenica. Confident ito na hindi sila mahihirapang magkatrabaho ni Louise dahil wala na silang ginawang adjustment ng kanyang kapareha, kaagad ay komportable na sila.

Pokwang nagbulag-bulagan sa pambababae ng mister

Matiising asawa at masipag na ina ang karakter na bibigyang buhay ni Pokwang sa Maalaala Mo Kaya ng ABS-CBN ngayong gabi. Gaganap siyang si Mely, ang may-bahay na nagbulag-bulagan sa pambababae ng kanyang mister upang mapanati­ling buo ang kanyang pamilya.

Ang episode ay idinirek ni Garry Fernando.

vuukle comment

AIZA SE

ALJUR ABRENICA

DINGDONG DANTES

ETHICAL TREATMENT OF ANIMALS

GARRY FERNANDO

KAMBAL SIRENA

KIM CHIU

MANILA ZOO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with