^

PSN Showbiz

Pagkatapos magkabalikan Aiza at GF hahantong na sa kasalan

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

“Baba” ang tawag ni Regine Velasquez sa kanyang mister na si Ogie Alcasid at “Baba” rin ang tawag kay Aiza Seguerra ng anak ng fiancée niya na si Liza Dino.

Boto ang anak ni Liza kay Aiza para maging asawa ng kanyang madir. Tanggap na tanggap ng bagets ang relasyon ng dalawa.

Dati nang may relasyon ang dalawa pero nagkahiwalay sila. Para kay Aiza, perfect na perfect sa love story nila ang lyrics ng kanyang hit song na Pagdating ng Panahon. Parehong hindi inaasahan nina Aiza at Liza na magkakaroon ng part two at hahantong pa sa kasalan ang kanilang love story pagkatapos ng 13 years. Bago matapos ang 2014, magiging Mrs. Aiza Seguerra na si Liza.

One hundred percent ang suporta ni Liza sa Journey of Love, ang concert ni Aiza sa March 1 sa Resorts World Manila sa Parañaque City.

Baka i-announce ng dalawa sa Journey of Love ang mga detalye ng kanilang coming soon wedding.

Sa edad na 30, handa na si Aiza na lumagay sa tahimik at ganoon din ang kanyang dyowa na proud na proud sa kanilang same-sex relationship. Parang sina Aiza at Liza ang local counterpart ng American TV-host na si Ellen DeGeneres at ng girlfriend nito, ang aktres na si Portia de Rossi. Matagal nang namumuhay na normal bilang magdyowa sina Ellen at Portia.

Don Pepot buhay na buhay, nagpayo sa ‘pumatay’

Nahanap ng Startalk ang veteran comedian na si Don Pepot. Alive na alive si Don Pepot as in hindi totoo ang balita na pumanaw na siya.

Pinagtawanan lang ni Don Pepot ang balita pero nag-worry ang kanyang mga anak na US-based.

Ipinaliwanag ni Don Pepot sa kanyang mga anak na ang komedyante na si Tado ang natsugi, hindi siya.

Naranasan ni Don Pepot na manirahan sa Amerika pero umuwi rin sa Pilipinas ang ko­medyante dahil nalulungkot siya. Nagsawa na si Don Pepot na magbabad sa mga mall sa US.

“Mag-isip-isip bago magbalita” ang message ni Don Pepot  sa tao na nagkalat na namatay na siya. Ang kapwa komedyante na si Joji Isla ang source ng balita na pumanaw si Don Pepot. Humingi na ng dispensa si Joji sa kanyang pagkakamali na pinagsisihan niya.                                                 

Dennis sa GMA pa rin pipirma

May nagkuwento sa akin na pipirma ngayon ng kontrata sa GMA 7 si Dennis Trillo.

Ang ibig sabihin, hindi matutuloy ang paglipat ni Dennis sa ibang television network dahil pinili niya na mag-stay sa Kapuso Network.

Nag-expire noong Jan. 16 ang kontrata ni Dennis sa GMA 7. Kumalat ang balita na hindi na siya magre-renew ng kontrata dahil may offer ang ibang TV network.

Klarung-klaro na hindi na mangyayari ang pag­lipat ni Dennis dahil sa kanyang nakatakda na pagre-renew ng kontrata sa mother studio niya.

vuukle comment

AIZA

AIZA SEGUERRA

DON

DON PEPOT

JOURNEY OF LOVE

KANYANG

PEPOT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with