^

PSN Showbiz

Dating asawang si Bianca Lapus takot na takot, anak nila ni Vhong itinatago na rin

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Laking gulat daw ng dating asawa ni Vhong Navarro na si Bianca Lapus nang mabalitaan ang nangyari sa aktor kamakailan. Hindi raw halos matingnan ni Bianca ang kalagayan ni Vhong nang mapanood sa Buzz ng Bayan ang interview ko sa kanyang dating asawa.

Nagpadala ng text message si Bianca sa ABS-CBN reporter na si Gretchen Fullido para ibuhos ang kanyang nararamdaman. “Parang sinasaksak ang puso ko. I can’t watch the interview. I haven’t seen Vhong since the incident kasi ‘di ko talaga kaya sa picture pa lang. I’m not good right now. It’s been days since the incident happened and I’m still in shock. Hindi ko mapigilang umiyak, matakot at mag-alala. I’m almost four months pregnant now kaya I’m resting kasi ‘di ko talaga kaya ang stress at pag-aalala. ‘Di ko matanggap ang nangyari sa kanya, eh mabuting tao ‘yun at walang kaaway,” pahayag ni Bianca.

Kahit magkahiwalay na ang da­lawa ay nananatili naman daw silang magkaibigan lalo pa’t mayroon silang anak. Itinatago ngayon ang anak nina Bianca at Vhong na si Ice para makaiwas sa peligro dahil na rin sa diumano’y banta mula sa mga bumugbog sa aktor. “I told him masakit sa ‘kin ang nangyari sa kanya, sobra. Siyempre in the end, whatever happens, pamilya pa rin kami. Naging asawa ko siya, kaibigan ko pa rin siya at mahal ko. And the agony of not knowing where our son is because he needs to be kept in a safe place with a security is really hard for us,” paliwanag ni Bianca.

Nakasuporta lamang daw ang dating aktres kay Vhong ngayon at umaasang malalampasan din ng aktor ang pagsubok na ito. “I told Vhong, his family, the kids and his girlfriend, sa pagsubok na ‘to, we are one family. We will draw strength from each other through prayers. Malalagpasan din natin ito. In behalf of our family thank you for all the overflowing messages of love, support and prayers for Vhong especially during this difficult time. Huwag natin siya iiwan at huhusgahan. Isa siyang mabuting tao. Together let us pray for his fast recovery, safety and justice,” pagtatapos ni Bianca.

Daniel, naging close kay Binoe sa shooting

Bukas ay palabas na sa mga sinehan ang pelikulang Sa Ngalan ng Ama, Ina, at mga Anak na pinagbibidahan ni Robin Padilla. Kasama rin sa nasabing proyekto ang asawa ng aktor na si Mariel Rodriguez at ilan pang kaanak ng mga Padilla.

Masayang-masaya si Daniel Padilla na nakasama na niya sa isang pelikula ang kanyang uncle at marami raw natutunan ang binata habang nagsu-shooting sila. “Masaya kasi parang getting to know. Kasi no’ng habang ginagawa ‘yun, hindi pa ako masyado close kina Tito Robin, bonding ko po ‘yun sa kanila. Baguhan lang ako humawak ng baril kung paano ‘yung galawan,” nakangiting pahayag ni Daniel.

Malaki rin ang pasasalamat ni Binoe kay Da­niel dahil sa tingin daw niya ay ang kanyang pamangkin ang naging dahilan kung bakit muling nabuo ang kanilang pamilya.

 Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

BIANCA

BIANCA LAPUS

DANIEL PADILLA

GRETCHEN FULLIDO

MARIEL RODRIGUEZ

ROBIN PADILLA

SA NGALAN

TITO ROBIN

VHONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with