^

PSN Showbiz

Annabelle Rama at Wilma Galvante todo-tsikahan, parang hindi nagdemandahan

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Parang walang naging matinding away sina Tita Annabelle Rama at Ms. Wilma Galvante. Todo tsikahan na ang dating magkaaway sa birthday party ni Raymond Gutierrez sa 71 Gramercy Bar and Restaurant sa Makati City last Tuesday night. Parang hindi kami nadamay sa demandahan nang kunin kaming witness kasama ang iba pang writers na nagsulat ng tungkol sa issue. Na-subpoena pa nga kami.

Pero nang makita namin last Tuesday, kung wala ka ngang alam sa nangyari sa kanila, hindi mo maaalala na naging ‘mortal’ pala silang magkaaway. Laman noon ng mga pahayagan at talk shows ang giyera nila. Nasa GMA 7 pa noon si Madam Wilma.

Pero nang tanungin ko si Tita Annabelle kung tapos na ang demanda, umiling siya.

Meaning, tuloy ang demandahan kahit na nagtsitsikahan na sila at balik ang dating samahan.

Wish ko lang na ‘wag na uli kaming ipatawag ng abogado ni Ma­dam Wilma, na isa na sa mga top gun ng TV5, para tumestigo dahil nakakaabala rin at marami na rin akong ibang kaso. Hahahaha!

Billy at Coleen nasa isang sulok lang nang mag-attend ng party ni Raymond, break up nina Rhian at KC gimik lang?!

Speaking of Raymond’s party, dumating ang mga kaibigan ng TV host sa nasabing masquerade party.

Nakakahinayang lang talaga na wala ang kakambal niyang si Richard na nasa Paris pa at nagbabakasyon kasama ang girlfriend na si Sarah Lahbati.

Ilan sa mga kaibigan ni Raymond na present sa party sina Anne Curtis, Vice Ganda, Isabelle Daza, Sen. Jinggoy Estrada, Phil Younghusband, Phoemela Baranda at maraming-marami pang iba. Siyempre present ang ibang kapatid ni Raymond sa pangu­nguna ni Ruffa na mas seksi ngayon.

Present din si Billy Crawford kasama ang kanyang girlfriend na si Coleen Garcia. Ang sabi ng eyewitness, nasa isang sulok lang ang dalawa at sweet-sweetan. Partida na hindi pa raw sila ha.

Andun din sina KC Montero and Rhian Ramos na magkasama na parang hindi naman nag-split. May isang source ang nagkuwento dati na gimik lang daw ang hiwalayan ng dalawa dahil pilit ang pagli-link noon kina Rhian at Dingdong Dantes para sa natapos nilang seryeng Genesis. Ewan kung gaano kalapit sa katotohanan ang nasabing kuwento.

Ginanap ang party sa sosyal na 71 Gramercy Bar and Restaurant na isa sa mga may-ari ay si Ray­mond. Ang Gramercy ang pinakamataas na building sa bansa at ang isang unit daw sa building na ito ay nagkakahalaga ng P18 million.

Mother Lily walang plano sa 2014 MMFF, aminadong kumita uli sa Pagpag

Walang planong sumali si Mother Lily Monte­verde sa 2014 Metro Manila Film Festival (MMFF). Tanggap niya na may ibang gusto na ang manonood. Pero iba ang magiging usapan kapag nakipag-sosyo sa kanya ang Star Cinema.

Aminado si Mother Lily na kumita ang Pagpag, no. 3 sa 2013 MMFF, dahil co-prod niya ang Star Cinema.

Bilib na bilib si Mother Lily kung paano mag-market ng pelikula ang film arm ng ABS-CBN.

Very vocal din siya sa pagsasabing ‘pinayaman’ uli siya ng kumpanya sa pagpatok ng Pagpag starring Daniel Padilla and Kathryn Bernardo. Kumita ang pelikula ng more than P200 million. “Sinabi ko ‘yun sa kanila. Very thankful ako pinayaman uli nila ako,” sabay tawa ni Mother nang makatsikahan ko last Wednesday night sa kanyang Imperial Suite Hotel  sa pinagsama-samang birthday celebration nina Ms. Redgie Magno of GMA 7, mga kasamahan sa pagsusulat na sina Tito Mario Bautista, Joe Barrameda and Ian Fariñas.

Maalalang ang Regal ang ‘reyna’ ng MMFF. May time noon na tatlo-tatlo ang pelikulang kasali niya. Kaya naman pag-Pasko noon, maligaya si Mother Lily.

Pero ngayon ay lie low si Mother lalo na nga’t aminado siyang hindi naghi-hit ang pelikulang ginagawa ng Regal lately.

Eh ang Star Cinema, bibihira ang pelikulang hindi pumapatok. Si Ms. Malou Santos ang boss ng Star Cinema.

 

vuukle comment

ANG GRAMERCY

ANNE CURTIS

BILLY CRAWFORD

GRAMERCY BAR AND RESTAURANT

MOTHER LILY

PAGPAG

PERO

RAYMOND

STAR CINEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with