^

PSN Showbiz

Habang walang trabaho? Julia pinapangarap makapasok sa indie film

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Walang teleserye ngayon si Julia Montes kaya sobrang excited na siyang ipagdiwang ang Kapaskuhan kasama ng kanyang pamilya.

“My Christmas plan is I think more on quality time for my family. Sa bahay lang, kung ano ‘yung hindi ko nagagawa sa kanila no’ng nagwo-work ako, ‘yon gagawin namin this Christmas,” nakangiting bungad ni Julia.

Naging maganda ang takbo ng kanyang 2013 at sana raw ay magtuluy-tuloy ang kanyang mga proyekto sa susunod na taon.

“Lagi kong sinasabi parang overflowing siya sa ini-expect ko at sa winish ko at sa hiningi ko and super excited ako sa 2014,” dagdag ng dalaga.

Samantala, pinapangarap na rin daw subukan ni Julia na makagawa ng isang independent film sa 2014.

“Actually, gusto ko, dream ko mag-indie. Hopefully may dumating na magandang story and ‘yun, mainstream din, gano’n pa rin, doon naman ako nagsimula eh. Excited din ako sa mga darating na projects kaya lagi kong sinasabi okay na ‘yung indie na story kasi gusto ko talagang gumawa way, way back pa,” pagtatapat ni Julia.

Matatandaang si Enrique Gil ang huling naka­tambal ng aktres sa teleseryeng Muling Buksan ang Puso. Ngayon ay si Julia Barretto na ang bagong katambal ni Enrique kaya mayroong pakiusap si Julia (Montes) sa mga tagahanga ng tambalan nila ng aktor.

“Ano na lang siguro, no bashing, stay positive, and hopefully, next time I’m going to be with Enrique pero as of now support muna nila ‘yung Julia Barretto and Enrique Gil,” giit niya.

Keanna naghanap ng ID bago pumatol sa bente anyos

Kagabi sa programang Rated K ni Korina Sanchez ay ipinakilala na ng aktres na si Keanna Reeves ang kanyang 20 years old na kasintahan na nagnga­ngalang  Kevin. Ayon kay Keanna ay hindi na raw naging hadlang sa kanilang relasyon ang pagkakaroon nila ng malayong agwat sa edad.

“Siguro ang kaibahan namin ni Mr. Freddie Aguilar, ako po, naghahanap po ako ng ID. I checked his ID first. Sisiguraduhin ko po na 18 above na po siya kasi baka makulong ako,” natatawang pahayag ni Keanna.

Mahigit walong buwan na raw na kasintahan ng aktres si Kevin at malaki raw ang kaibahan nito sa mga nakarelasyon ni Keanna noon.

“Lahat naman sila, ‘yung ex-husband ko nananakit, namamaril. Hindi naman ako tinamaan, slight lang,” kuwento ng aktres.

Samantala, may mga pagkakataon daw na nasasaktan si Kevin sa kanyang mga naririnig mula nang makipagrelasyon siya kay Keanna.

“Masasakit din po ’yung mga sinasabi pero wala po akong pakialam sa kanila kasi wala naman po sila sa sitwasyon ko,” makahulugang pahayag ni Kevin. Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

AKO

ENRIQUE

ENRIQUE GIL

JULIA

JULIA BARRETTO

JULIA BARRETTO AND ENRIQUE GIL

JULIA MONTES

KEANNA

KEVIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with