^

PSN Showbiz

Mga tauhan ng singer-actress gustong makalibre sa benefit concert!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Tagumpay ang benefit show ng Kapuso stars sa Zirkoh last Wed­nesday na brainchild nina Mark Herras at Julian Trono. Dahil para sa mga biktima ng bagyong Yolanda ang show, lahat ay nagbayad pati mga bossing ng GMA Network at ilang performers.

Kaya hindi matanggap ng mga nagbayad ng tiket ang attempt ng ilang taong  kampo ng isang Kapuso singer-actress (SA) na pumasok sa venue at manood ng show ng walang bayad. Ang nakaloloka pa, walo ang dumating na gustong makalibre at nang harangin sa gate, sabi’y taga-GMA-7 sila at kasama ni SA na wala naman that night sa event.

Kaso hindi talaga pinapasok ang grupo at napilitang bumili ng dalawang tiket, nakalibre pa rin ang dalawa at ‘yung apat ay hindi na pinapasok. Hin­di matutuwa si SA kapag nalaman ang ginawa ng ilan sa kanyang mga tao.

‘I’M STRONGER THAN EVER’ - Jennylyn

“Getting there” at “almost move on” ang sagot ni Jennylyn Mercado nang tanungin namin ang estado niya after ng break-up nila ni Luis Manzano nang makausap sa interview sa main cast ng primetime soap na Rhodora X.  Pero mas okay daw siya nga­yon kumpara sa mga nakaraang buwan.

Nagpapasalamat si Jennylyn na sunud-sunod ang trabaho niya sa GMA 7 and after ng Anak Ko ‘Yan, binigyan siya ng Rhodora X na bida at title role siya.

Natuwa rin ang aktres dahil sa primetime ilalagay ang soap at makakasama niya uli sina Mark Herras at Yasmien Kurdi na kanyang kumpare at kumare respectively.

Si Mark last niya nakasama sa soap five years ago at si Yasmien ay sa Encantadia kaya pare-pareho silang masaya sa kanilang reunion.

In fairness, nababanggit ni Jennylyn ang name ni Luis na hindi siya nagre-react at natawa pa nang sabihin naming marami ang nagulat sa break up nila. Sabi nito, hindi lang ang tao ang nagulat, pati siya’y gulat na gulat at sinundan ng tawa.

Nasulat pala namin nang patanong sa nakaraan naming kolum kung nagtinginan o nagbatian ba sina Jennylyn at Dennis Trillo sa tele­thon ng Sunday All Stars.

“Okay na kami ni Dennis, nagbabatian kami ‘pag nagkakasalubong sa Sunday All Stars. Kahit “hi” at “hello” lang ang batian namin, at least wala ng iwasan. Ang hirap kung  mag-iiwasan kami eh, nasa iisang network lang kami. Matagal na rin naman ang nangyari sa amin, hayaan na natin,” sagot ni Jennylyn.

Bago tapusin ang interview, ipinatapos namin kay Jennylyn ang line na “Jennylyn is...” at ang sagot nito ay “stronger than ever.”

MVP Co-Producer ng viva sa movie ni Alice?

Nabasa namin sa tarpaulin ng When The Love Is Gone katabi ng Viva Films ang MVP Multivision Pictures na feeling namin, isa sa mga producer ng nasabing pelikula na showing sa November 27. Hindi namin naitanong kung ang MVP na ito ay si Manny V. Pangilinan at kung siya nga, gusto naming malaman kung dahil kay Alice Dixson na contract star ng TV5 kaya siya nakipag-co-produced.

Speaking of Alice, tama ba kami na medyo nag-react ito nang usisain ng press na ikinukumpara ang delivery niya ng dialogue kay director Laurice Guillen na original na gumanap sa role niya sa Nagalit Ang Buwan Sa Haba Ng Gabi kung saan ibinatay ang Where The Love Is Gone.

Wala pa raw siyang naririnig na nagsasabing hindi gusto ang delivery niya ng kanyang lines at kung mayroon man, tatanggapin niya. Iisipin na lang daw niyang hindi mapi-please ang lahat kaya may mga nagre-react.                                                                                

vuukle comment

ALICE DIXSON

ANAK KO

JENNYLYN

MARK HERRAS

NIYA

RHODORA X

SUNDAY ALL STARS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with