^

PSN Showbiz

One Day Isang Araw, ituturo ang kahalagahan ng pagtanggap ng pagkatalo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ngayong Sabado (Nobyembre 16), ibabahagi ng One Day Isang Araw ang isang kuwentong magtuturo sa mga kabataan ng kahalagahan ng pagtanggap ng pagkatalo.

Sa kahit anong laro o paligsahan, ayaw na ayaw ni Paul (Marc Justine Alvarez) nang siya ay natatalo. Gustung-gusto kasi niyang makapag-uwi ng medalya na maidadagdag niya sa koleksiyon ng kanyang Daddy at Mommy.

Sa kanilang football championship game, manalo na kaya siya sa wakas? Matutunan kaya ni Paul na tanggapin ang kanyang pagkatalo at pagkabigo?  

Alamin ang buong kuwento sa episode na pinamagatang Paul Maktol kasama sina Jillian Ward, Milkah Nacion, Marc Justine Alvarez, at Joshua Uy. Tampok na panauhin sina Miriam Quiambao at Jojit Lorenzo.  

Mula sa direksyon ni Rico Gutierrez, mapapanood ang One Day Isang Araw ngayong Sabado, 6 p.m. sa GMA.

vuukle comment

ALAMIN

JILLIAN WARD

JOJIT LORENZO

JOSHUA UY

MARC JUSTINE ALVAREZ

MILKAH NACION

MIRIAM QUIAMBAO

NGAYONG SABADO

ONE DAY ISANG ARAW

PAUL MAKTOL

RICO GUTIERREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with