^

PSN Showbiz

Iza pinaglaruan ng ama, Kapuso pa rin ang nabanggit sa ASAP

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Nag-taping na nung nakaraang Sabado ng last episode ng One Day, Isang Araw na kinunan sa Pasig City.

Si Miriam Quiambao ang special guest kasama sina John Hall at Jojit Lorenzo sa isang kakaibang episode na pinamagatang Paul Maktol.

Papalitan na ito ng game show ni Ryan Agoncillo na Picture Picture.

PAK: Alaskado ng husto si Iza Calzado ng mga kasamahan niya sa ASAP nang magkamali siya at nabanggit ang Kapuso sa isang spiel nito.

Sinalo lang ito ni Martin Nievera at hiyang-hiya na inulit niya at Kapamilya na ang nasabi.

Pagkatapos nito ay nag-tweet siya: “Pasensya na po at nagkamali sa spiels! Kapamilya, Kapuso, Kapatid! Sa Kuwento ng Pasko lahat tayo’y magkasama sa pagbibigay ng puso #palusot.”           

Feeling daw niya ay pinaglaruan siya ng daddy niyang si Tito Lito Calzado dahil death anniversary pala niya kahapon.

Nagmamadali na raw nung umalis si Iza dahil may usapan na sila ng mga kapatid niyang magsisimba sila para sa kanilang ama.

BOOM: Ngayong araw ang dating ng Miss Universe 3rd runner-up na si Ariella Arida galing Russia at diretso ito sa presscon ng Binibining Pilipinas.

Marami ang nanghihinayang kasi na 3rd runner-up lang ang nakuha ni Ariella gayung kayang-kaya raw nitong talunin ang mga Latinang kalaban niya.

Paano kaya ipagtatanggol ni Stella Marquez-Araneta ng Binibining Pilipinas Cha­rities, Inc. ang pang-ookray sa designer nito na gumawa ng gown ni Ariella?

Bumaba kasi ang score ni Ariella dahil sa suot nitong gown na gawa ng Colombian designer na siyang nagpo-provide ng mga gown sa Cumbia (Caribbean coastal region) na pinapasuot sa mga contestant.

Sabi kasi nila, dapat noon pa ay Pinoy designer na ang gumawa ng kanilang evening gown na mas magandang ’di hamak sa gawa nitong mga kaibigang Colombian designer ni Mrs. Araneta.                                                                 

vuukle comment

ARIELLA

ARIELLA ARIDA

BINIBINING PILIPINAS

BINIBINING PILIPINAS CHA

ISANG ARAW

IZA CALZADO

JOHN HALL

JOJIT LORENZO

KAPAMILYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with