^

PSN Showbiz

Young actress grabeng manigarilyo ’pag wala sa showbiz events

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Nagulat ang friend naming reporter nang makitang sunud-sunod ang paninigarilyo ng favorite pa naman niyang young actress (YA) dahil hindi niya ini-expect na naninigarilyo ito at chain smoker pa. Nang maubos ang hinihitit na sigarilyo, agad daw nagsindi ng panibagong stick at hindi na hinintay ng friend namin kung nakailang stick ng sigarilyo si YA.

Nahalata ng reporter na nagulat si YA nang makitang may press people sa lugar kung nasaan siya pero hindi na nito naitago ang hawak na sigarilyo kaya inubos na lang. Nakapagsindi pa nga ng panibagong stick at tingin ng reporter ay sanay na itong manigarilyo.

Nahiya lang ang reporter na tanungin si YA kung kailan pa nag-start manigarilyo at kung alam ng parents na smoker siya. In fairness kay YA, careful siya dahil never pang nakitang naninigarilyo sa mga showbiz event. 

Cristine bagong Vilma Santos

Matutuwa si Cristine Reyes dahil ikinumpara siya ni Gabby Concepcion kay Batangas Gov. Vilma Santos. Magaling umarte, sexy, maraming katangian, at malawak ang range ng kapareha niya sa When the Love is Gone, ang Viva Films movie na showing sa Nov. 27 sa direction ni Andoy Ranay. 

Hindi raw sila nagkailangan sa nine love scenes na ginawa nila dahil inisip na trabaho lang ang kanilang ginagawa at walang personalan. Wala rin daw siyang naramdaman (hindi siya nadala) dahil wala siyang malisya.

Sobrang thankful si Gabby na at 50 years old, kinukuha pa rin siya sa movies and TV.

“I have nothing to complain, ang dami pa ring blessings na dumarating sa akin. Accepted ko na rin na kung ano ang sa ’yo ay sa ’yo,” wika ni Gabby.

 

 

vuukle comment

ANDOY RANAY

BATANGAS GOV

CRISTINE

CRISTINE REYES

GABBY CONCEPCION

MAGALING

MATUTUWA

VILMA SANTOS

VIVA FILMS

WHEN THE LOVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with