^

PSN Showbiz

Away ng ina at ni Gretchen mas malala pa sa mga eksena sa pelikula

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Kung dati ay tutol ako sa ginagawang panglalaglag kay Gretchen Barretto ng ina niya, nga­yon, tutol din ako sa ginagawang pagbubunyag ni La Greta sa nanay niya. Hindi rin dapat niya ginagawa ’yun. Nangingilabot ako. Parang hindi sila tunay na mag-ina. Maski na sa pelikula wala akong napapanood na ganung sitwasyon. 

Bakit kailangang magkaro’n sa tunay na buhay?

Please lang, Gretchen, huwag ka nang sumagot sa nanay mo. At hu­wag mo nang dagdagan pa ang mga pinagsasasabi mo tungkol sa kanya.

Hayaan mo na lang manatiling pribado kung may mga hindi ka pa nasasabi. Hayaan mo na lang na siya na lang ang magsalita. Nanay siya, pu­wede siyang magalit sa anak pero, opinyon ko, ang mga anak ay dapat lang na tumahimik at huwag nang sumagot sa mga magulang nila. Please lang.

Gutierrez siblings abala kahit walang mga kontrata sa network

Ano kayang kumpanya ng pelikula ng nakuha ang serbisyo ni Richard Gutierrez. Balitang may pelikulang gagawin ang matagal nang nakabakasyon na TV host/actor. Mukha ring aktibo na naman ang mga anak ni Mama Annabelle Rama. May movie si Chard, may regular hosting job sa TV5 ang kakambal nitong si Raymond at si Ruffa kahit walang pelikula o TV show ay visible naman at ’di nawawalan ng guesting.

Mga anak ng taga-showbiz biglang naglutangan

Bigla namang naglalabasan sa TV ang mga anak ng ilang kilalang personalidad. ’Yung anak daw ni Phoemela Baranda ay tila may balak mag-ar­tista. Eh ’yung anak ni Dyan Castillejo, may balak din kaya?

Wala namang masama kung sakali mang totoo. What better way to enter showbiz than to be endorsed by your own parents? O malaman man lang na may lahing showbiz ka. Mas madaling paraan ito kaysa ’yung magsisimula ka pang ekstra. Kaya lang children, sabihin n’yo sa parents n’yo na ihanda kayo sa karera na papasukin ninyo. Sabihin n’yo, pakunan nila kayo ng personality development course, voice lessons, acting workshops, at kung anu-ano pang preparasyon para kapag pumasok kayo ay hindi kayo dehado.

vuukle comment

ANAK

DYAN CASTILLEJO

GRETCHEN BARRETTO

HAYAAN

LA GRETA

LANG

MAMA ANNABELLE RAMA

PHOEMELA BARANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with