^

PSN Showbiz

Angel: Maayos po kaming naghiwalay ni Phil at mutual decision po ito

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Kamakailan ay pumutok ang balitang nagkahiwalay na raw ang magkasintahang sina Angel Locsin at Phil Younghusband. Marami ang nagulat dahil mukhang masayang-masaya naman ang dalawa sa kanilang relasyon. Nagpadala ng kanyang opisyal na pahayag ang aktres tungkol sa isyu sa mabuti na­ming kaibigan at headwriter ng Buzz ng Bayan at Kris TV na si Darla Sauler.

“This is my official statement: Sa mga naglalabasang balita kung saan na-quote po na nagpa-interview ako, hindi po ito totoo. Wala pa po akong nakakausap about the issue dahil sa totoo lang po hindi ko pa ho kayang kumausap ng kahit sino sa press at nagsi-sink in pa lang po sa ‘min ngayon ang lahat ng ito. Pasensya na po. Dalawa pa lang po ang nakausap ko, si Manay Ethel (Ramos) na manager ko at si Darla na sinagot ko lang po ang text sa akin dahil naramdaman ko ang sincerity niya although hindi po ako directly nagsalita about sa amin ni Phil. It was also off the record. Sa lahat po ng nagtatanong kung totoo bang hiwalay na kami ni Phil, totoo po. Sana po maintindihan n’yo kung hindi na po namin sasabihin ang dahilan… pero maayos po kaming naghiwalay at mutual decision po ito. Pasensya po kung hindi po kami makasagot agad tungkol sa status ng aming relasyon. Lalung-lalo na po sa mga sumuporta sa aming dalawa. Hindi po namin kayo binalewala… mahirap lang po talaga kung nasa ganitong sitwasyon. Nagulat na lang kami na naunahan na kami ng balita bago pa man kami makapag-usap uli. Salamat po sa lahat ng sumubaybay at sumuporta sa journey namin ni Phil. Hinding-hindi po namin malilimutan.”

Robi Beauty Queen ang tingin sa GF na si Gretchen Ho

Nagsisilbing mabuting impluwensiya raw para kay Robi Domingo ang kasintahang si Gretchen Ho. “Ang influence niya sa akin is simplicity. Ito walang bola ha, ‘yung kagandahan niya iba eh. Katulad nga ng sinasabi ko sa kanya every single time na magkita kami, she’s my beauty queen who happens to wear kahit ano na lang, kahit a shirt and jeans. Kahit ‘yun lang suot niya, magiging beauty queen pa rin siya sa akin. Kasi ang simple ng ganda niya, ang ganda rin ng attitude niya about things, sobrang okay,” paglalarawan ni Robi.

Ayon sa binata ay may naituro na rin naman siyang mabuting bagay kay Gretchen. “I think I inspired her to be optimistic all the time. She’s the serious type eh, na always with her game face on all the time, even with the boys. Talagang may great wall siya, great wall na nga siya, may Great Wall of China pa siya sa sarili niya. ‘Yung na-impart ko sa kanya, na life is not just about winning and losing, it’s just there and you just have to experience it. It’s there to be experienced, waiting to be experienced and at the end of the day, it all boils down to happiness,” paliwanag ni Robi.  Reports from JAMES C. CANTOS

                                                     

 

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

DARLA SAULER

GREAT WALL OF CHINA

GRETCHEN HO

LANG

MANAY ETHEL

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with