^

PSN Showbiz

Mariel gustong bumalik sa Kapamilya?!

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Nakita raw si Mariel Rodriguez sa compound ng ABS-CBN. Kahit gaanong pagpapaliwanag ang gawin niya na dinalaw lang niya para batiin  ang friend niyang si Boy Abunda ay mas gustong paniwalaan ng mga nakakita sa kanya na balak niyang bumalik sa pinagmulang network.

Hindi naman siguro. Even after mawala ang prog­rama nila ni Willie Revillame ay marami pa na­mang projects siyang magagawa sa TV5. Hindi naman  siya pababayaan, dahil magaling naman siyang host at puwede rin naming artista.

Taga- showbiz magiging abala sa pagtulong sa mga nilindol

Kung talagang matutuloy yung magkakasamang tulong na pinaplano hindi lamang ng pamahalaan kundi maging ng mga taga-showbiz, aba madaling ma­kakaahon sa kanilang material loss ang mga na­ging biktima ng 7.2 magnitude na lindol ang Bohol at ilan pang  lugar sa Kabisayaan. ‘Yung mga alaala ng mga nawala ay panahon lamang ang makakagamot, at dasal din.

Mga beauty queen isasama na sa walk of fame

Bibigyan parangal ko naman sa Eastwood Walk of Fame ngayong Disyembre ang mga beauty queens natin na nanalo sa mga sinalihan nilang inter­ational pageant.

Dapat pala ay matagal ko na itong ginawa, pero nga­yon ko lang naisip. Wala rin namang nakaisip mag-suggest.

Pero hindi pa naman huli. Kaya sa Disyembre, ma­sasama na sa mabibigyang pangalan sa marble sina Misses International Melanie Marquez at Precious Lara Quigaman, Miss World Megan Young,  Miss U finalists Shamcey Supsop, Venus Raj, Margie Moran at Gloria Diaz, Misses U, Gemma Cruz Araneta, Miss Supranational Mut­ya Datul.

vuukle comment

BOY ABUNDA

DISYEMBRE

EASTWOOD WALK OF FAME

GEMMA CRUZ ARANETA

GLORIA DIAZ

MARGIE MORAN

MISS SUPRANATIONAL MUT

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with