^

PSN Showbiz

Sexy star noon na si Kristel Romero, naghahangad mapasama sa teleserye para kumita

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Salve A., natatatandaan mo pa ba ang dating sexy star na si Kristel Romero na sumikat nang hus­to nung dekada otsenta?  Karamihan ng  mga pelikulang nagawa noon ni Kristel ay mga action movies at nakatambal niya si Lito Lapid sa Dugo ng Pistolero, si Bong Revilla sa Isusumpa Mo Ang Araw Na Isinilang Ka, si Jess Lapid, Jr. sa Jim­bo at Isla Grande, Boy Flores in Paltik,  Dante Varona, Ray Flores and Bembol Rocco in Grease Gun Gang, Dante Varona in Ulo ng Gangho, Sonny Parson in Hold-up Gang. Nakatambal din niya noon sa ibang pelikula sina Ace Vergel, Edu Manzano, Mark Gil at Michael de Mesa. Nakagawa rin siya ng comedy movies tulad ng Magchumikap Ka with the late Rod Navarro at Pipo’s Power with Redford White and Lito Pimentel. Nakagawa rin siya ng isang telecine noon, ang Pulo’t Gata kung saan niya nakasama sina Snooky Serna at Albert Martinez.

Taong 1989 nang talikuran ni Kristel ang showbiz nang siya’y mag-asawa  sa isang non-showbiz guy at nagkaroon sila ng tatlong anak na pawang babae na ang eldest na si Catherine ay 23 yrs. old na ngayon at 4 and a half years old naman ang kanyang bunsong anak.  Sixteen years old naman ang kanyang gitnang anak na si Mary Ann.  Kung kelan maliit pa ang kanyang bunsong anak ay saka naman sila nagkahiwalay ng kanyang mister.

Tulad ng ibang mga artista na matagal nang tu­ma­likod sa showbiz, gusto itong balikan ngayon ni Kristel dahil ito lamang ang trabahong alam niya.

Umaasa ang dating sexy star na sana’y may puwang pa ang showbiz sa tulad niya na nagnanais na makabalik.

Kahit anong role na ipagkatiwala sa kanya ay hin­di umano magiging problema sa kanya basta magkaroon lamang siya ng trabaho.

“Sana mabigyan ulit  ako ng chance na makabalik. Sana mapasama ako sa isang teleserye.  Kahit anong role gagawin ko,” pakiusap niya.

Mga datihang artista, nakabase na sa NY ngayon

Alam mo, Salve A., napakalaking tulong talaga ng Facebook dahil ito ang nagiging daan para ma-reconnect ka sa mga kaibigan at mga kakilala na matagal ka nang walang ba­lita.  Dito ka rin nakakabuo ng mga bagong kakilala at kaibigan.  Through FB, I got re­connected with Leny Santos na matagal nang naka-base sa Las Vegas, Nevada, ang dating matinee idol ng Lea Productions na si Roger Calvin na naka-base sa New York, ang dating aktres na si Trixia Gomez na naka-base sa Florida, si Beth Tamayo sa New York at iba pa.  Bukod kina Roger at Beth, sina Samantha Lopez, Dindi Gallardo at Marian de la Riva ay sa Big Apple na rin naka-base ngayon.

vuukle comment

ACE VERGEL

ALBERT MARTINEZ

BETH TAMAYO

BIG APPLE

DANTE VARONA

KRISTEL

NEW YORK

SALVE A

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with