^

PSN Showbiz

Jose nadamay na kay Wally, naetsapuwera na sa concert?!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Sa Oct. 12 ang target release ng album nina Dennis Trillo at Tom Rodriguez under GMA Records. Petsa rin ito ng MHL: One More Try Concert sa Smart Araneta Coliseum. All-OPM album ito na ikatu­tuwa ni Ogie Alcasid.

Ipinoste ni Dennis ang recording niya ng mga kantang Stay na unang kinanta ni Ric Segreto at It’s Over Now na original ni Joey Albert. Nag-record na rin si Tom ng Photograph na original ni Ariel Rivera. Wala pang update kung ni-record na nito ang Hey It’s Me na original ni Jamie Rivera.

Samantala, binanggit ni Carla Abellana sa Sunday All Stars ang guests sa concert at parang hindi na­banggit sina Jose Manalo at Wally Bayola na ori­ginally kasama sa guests. Akala namin si Wally lang ang napalitan o baka naman na­kalimutan lang banggitin ng aktres si Jose.

Ang narinig naming guests sa concert ay sina Joey de Leon, Jo­alyn Viray, Gloc-9, Aicelle San­tos, at Kyla. Baka ma­dagdagan pa ito sa gabi ng concert.

Samantala, rarampa sa Cos­mo Bachelor Bash tonight sa World Trade Center sina Dennis at Tom. Sabi ni Dennis, abangan ang suot niya at ang gagawin sa stage.

Kris na-appreciate ang effort ni apl.de.ap sa masamang panahon

Nabasa namin sa Instagram ang post ni Kris Aquino na hindi natuloy ang TV backpack niya para sa Kris RealiTV dahil sa walang tigil na ulan ka­hapon. Sabi ng TV host-actress, si apl.de.ap pa ang gumawa ng buong itinerary nila na kanyang na-appreciate kaya kahit maaga ang shoot ay ’di siya makapagreklamo.

Pero dahil sa bad weather, hindi sila natuloy, kaya sa bahay na lang siya at nakipag-bonding kina Joshua Aquino at Bimby Yap, Jr. Mabuti na lang at ang ibang schedule ni Kris for the backpack this week ay sa Pasig City at Quezon City lang.

Naintriga kami sa schedule na TV commercial shoot ni Kris this week din para sa isang big, big company na bawal pang sabihin. Dagdag na celebrity endorser kaya siya o siya ang papalit sa endorser ng company ngayon?  

Kris nawawalan ng love life tuwing may show

Nakita namin si Carl Guevarra sa joint birthday party nina Dondon Sermino at Jun Nardo kasama ang ibang PPL ta­lents. Hindi ito lumapit sa press at nakalimutan naming pagreakin sa pag­di-deny ni Kris Bernal sa relas­yon nila dahil sa Prinsesa ng Buhay Ko nila ni Aljur Abrenica.

Sabi ng isang reporter na nakausap ni Carl, tumawa lang ito nang tanungin sa tila biglang nawalang sweetness ni Kris sa kanya dahil sa soap nila ni Aljur Abrenica. Si Kris kasi nalo-lost ang love life ’pag may show. Hahaha!

Hindi pa rin yata alam ni Kris na kahit wala silang relasyon ni Aljur in real life, gusto ng viewers ang love team nila. Heto nga at inaabangan sila sa Prinsesa ng Buhay Ko bilang sina Nick at Princess, respectively.

At least si Aljur, very open sa relasyon nila ni Kylie Padilla, kaya walang maireklamo sa kanya ang aktres.

Sid dadaanin sa makeup magmukha lang payat

Natuloy din si Sid Lucero sa Katipunan, ang historical docu-drama ng GMA News TV dahil kasama sila sa cast na nag-pictorial. Sa presscon ng Magkano Ba ang Pag-ibig? hindi pa ito sure dahil mataba pa raw ang face niya. Payat nga naman si Andres Bonifacio na kanyang gagampanan. Pero magagawan naman ng paraan through makeup para magmukha siyang payat.

Ang Katipunan ay eight-part docu-drama tungkol kina Bonifacio at Emilio Aguinaldo at ang Philippine Revolution. Ito rin ang magko-commemorate sa 150th anniversary ng birth ni Bonifacio this year.

Matapang ang Katipunan dahil ipapakita ang totoong nangyari kina Bonifacio at Aguinaldo na hindi nabasa sa mga libro. Ipapakita ang kahinaan ng da­lawa at may mga interview sa mga nakakaalam ng tunay na nangyari. Sa Oct. 12 ang primer episode ng Katipunan at Oct. 19 ang pilot episode.

 

vuukle comment

AICELLE SAN

ALJUR ABRENICA

BONIFACIO

BUHAY KO

KATIPUNAN

KRIS

SA OCT

SABI

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with