^

PSN Showbiz

Dingdong at Marian, makikisaya sa Tuna Festival 2013

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Makikisaya ngayong araw ang Kapuso Royal Couple na sila Dingdong Dantes at Marian Ri­vera sa General Santos City, ang tinaguriang Tuna Capital ng bansa, sa pagdiriwang ng Tuna Festival 2013.

Pakikiligin ng real-life sweethearts ang kanilang fans sa Kapuso Fans’ Day na gaganapin sa Events and Convention Center ng KCC Mall of GenSan ng 3:00 p.m.

“I am happy and delighted dahil magkakasama ulit kami ni Marian para makapagpasaya sa supporters namin,” sabi ni Dingdong, ang lead actor ng paparating na GMA primetime offering na Genesis.

Tampok din sa araw na iyon ang makulay at magarbong Tuna Float Parade. Magsasagawa ng special coverage ang GMA Network para sa nasabing parada na ipalalabas sa September 15 sa regional stations ng network sa GenSan, Davao, at Cagayan de Oro.

Makikibahagi rin sa pagdiriwang ng Tuna Festival ang Kapuso actress na si Chynna Ortaleza sa sumunod na araw, September 6. Isa siya sa mga espesyal na panauhin sa Fish Fest na gaganapin sa Fish Port ng GenSan mula 6 a.m. hanggang 12nn.

Samantala, ang cast members naman ng primetime soaps na Annakarenina at My Husband’s Lover ang bibida sa Kapuso Mall Show sa darating na Biyernes, September 7.  Pagtungtong ng 4 pm, tiyak na mage-enjoy ang supporters na mabibigyan ng pagkakataong mapanood ang mga iniidolong Kapuso stars na sina Joyce Ching, Krystal Reyes, Julian Trono, Hiro Magalona, Rodjun Cruz, at Bettina Carlos.

Ang Tuna Festival ay taunang ipinagdiriwang upang ipakita ang kahalagahan ng tuna industry, ang primary source of income ng mga taga-GenSan.

 

vuukle comment

ANG TUNA FESTIVAL

BETTINA CARLOS

CHYNNA ORTALEZA

DINGDONG DANTES

EVENTS AND CONVENTION CENTER

FISH FEST

FISH PORT

GENERAL SANTOS CITY

HIRO MAGALONA

TUNA FESTIVAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with