^

PSN Showbiz

Binoy… malapit nang matapos

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tuluyan nang mag-aaway sina Agnes (Sheena Halili) at Emily (Gwen Zamora) dahil sa pangingialam ng huli kay Binoy (David Remo). Torn naman si Francis (Luis Alandy) sa away ng dalawang babae. Mapagdedesisyunan ni Agnes na pagbawalan na ang mag-asawa na makita si Binoy dahil sagad na ang pasensiya niya sa pambabalewala at pangingialam ni Emily sa bata. Dahil sa nangyari, nag-suggest si Emily kay Francis na mag-file ng custody para makuha si Binoy pero ayaw ng huli na umabot sa ganun ang pangyayari. Sa kabila nang naging desisyon ni Francis ay makikipag-usap pa rin si Emily sa abogado nila at malalaman niya na kung mapapatunayan nila sa korte na unfit mother si Agnes ay makukuha nila ang bata.

Samantala, maoospital si Lito (Ervic Vijandre) dahil sa ruptured appendicitis at kailangan niyang maoperahan. Kakapit sa patalim si Celia (Sharmaine Arnaiz) at hihingi ng tulong para lang magkaroon ng pera pampaopera ng anak. Sa ’di inaasahang pagkakataon malalaman ni Emily na pusher si Celia.

Iba-blackmail ni Emily si Celia at papayag ang huli na sundin ang utos nito na si Agnes ang mag-deliver ng illegal drugs. Bibigyan naman ng P50,000 ni Emily si Celia bilang kabayaran sa gagawin at pananahimik nito.

Mapapayag naman ni Celia si Agnes na mag­hatid ng package. Sasabihin ni Celia na tsaa lamang ito na inorder sa kanya at ang pambayad nito ang gagamitin niya sa ospital ni Lito. Mahahabag ang kalooban ni Agnes kaya siya papayag. Ang hindi niya alam ay may panganib na nakaabang sa kanya dahil magsusumbong si Emily sa mga pulis. Isang entrapment ang inihahanda ni Emily para tuluyang mawala na sa landas niya si Agnes. Magtatagumpay kaya si Emily sa binabalak niya?

Malalagay sa panganib si Agnes dahil sa illegal na droga na iniutos sa kanya ni Celia. Matatakasan niya si Pilo, ang drug dealer, ngunit sa sobrang takot, matatapon ni Agnes ang bag na laman ang droga. Pagdating ng bahay, sasabihin ni Agnes ang lahat kay Chato (Nova Villa). Magagalit si Chato sa ginawa ni Celia. Pipigilan ni Agnes ang tiyahin na sugurin si Aling Celia dahil mas malaking problema ang kinakaharap nila ngayong baka raw siya masundan ng lalaking naka- engkuwentro niya. Sobrang guilty naman ang mararamdan ni Celia sa ginawa niya kay Agnes.

Samantala, matatagpuan ng mga pulis ang bag na itinapon ni Agnes at dahil may identification ang bag, isa itong matibay na ebidensiya laban sa kanya na ikinatuwa naman ni Emily.

Abangan ang pagtatapos ng Binoy Henyo gabi-gabi bago mag-24 Oras sa GMA 7.

 

vuukle comment

AGNES

ALING CELIA

BINOY

BINOY HENYO

CELIA

CHATO

DAHIL

DAVID REMO

EMILY

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with