^

PSN Showbiz

Sunshine naiuwi ang mga anak, pero kay Cesar gustong tumira

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Special guest ni Regine Velasquez sa Sarap Diva bukas ang grand slam queen Lorna Tolentino na naghanda ng spicy adobo chicken wings para kay Songbird.

Kasama ni Lorna ang dalawang binata niyang sina Ralph at Renz Fernandez na may handa ring Pinoy Pasta. Pero mas naaliw si Regine ay sa pagiging komedyante ni Renz na walang effort kung magpatawa.

PAK: Nananahimik si Akihiro Sato sa Thailand na nag-aasikaso ng restaurant ng daddy niya pero biglang nadamay siya sa usapan sa presscon ng Ang Huling Henya ni Rufa Mae Quinto dahil ibinuking ni Fabio Ide na nakarelasyon pala ito ng sexy comedienne.

Inamin kasi ni Fabio na kung walang namamagitan sa kaibigan niyang si Akihiro at si Rufa Mae, maaring na-in love ito sa aktres at itinuloy ang panliligaw.

Nabuking lang sa presscon kahapon na hindi naman itinanggi ni Rufa Mae.

Sabi naman nito, matagal na raw niyang kinalimutan ang mga past relationships niya.

Sa August 21 na pala ang showing ng Ang Hu­ling Henya at magkakaroon ito ng premiere night sa August 18.

BOOM: Umabot ng mahigit apat  na oras ang hearing nina Cesar Montano at Sunshine Cruz kahapon ng umaga.

Dala ni Cesar ang tatlo nilang anak na sina Angelina Isabelle (11 years old), Samantha Angelene (8 years old), at Angel Franchesca (7years old).

Unang dininig ang Permanent Protection Order sa sala ni Judge Fernando Sagun Jr. ng Branch 78 ng QC-RTC.

Halos dalawang oras din sila sa loob ng korte at pagkatapos nito ay tumuloy sila sa itaas, sa sala naman ni Judge Jose Bautista Jr. ng Branch 107 para naman sa kasong Habeas Corpus na isinampa rin ni Sunshine laban kay Cesar.

Mahigit dalawang oras sila sa loob ng chamber ng huwes na kung saan nagharap sina Cesar at Sunshine kasama ang tatlo nilang anak.

Nasa labas lang ang mga abogado at bago natapos ang pag-uusap saka pa lang pinapasok ang kanilang mga abogado.

Paglabas ni Sunshine, nakangiti na ito at kasama na ang tatlo nilang anak.

Tikom ang bibig ng mag-asawa dahil sa gag order mula sa korte. Hindi nila sinabi kung kanino mapupunta ang mga bata. Pero sa aming naoobserbahan, mukhang maiuuwi ito ni Sunshine dahil masinsinang kinausap ni Cesar ang kanilang mga anak.

Ang pangalawang anak nitong si Samantha ay tumakbo pa sa kanya at kumandong.

Paglabas ng korte ay “masaya kami” lang ang sagot ni Sunshine sa mga tanong ng mga reporters.

“Pagagalitan po ako ng judge, hindi po kami puwedeng magsalita,” dagdag pang pahayag ng aktres.

Dahil sa mga nagkakagulong media, parehong pinrotektahan nina Cesar at Sunshine ang tatlo nilang anak habang papunta sila sa kanilang sasakyan.

Magkakasama silang mag-anak na sumakay sa sasakyan ni Sunshine.

Bago umakyat ng kotse, sinabi ni Cesar sa mga reporters na nasa kanya pa rin daw ang mga bata.

Pero mukhang kay Sunshine muna ito ngayon.

Nakisakay si Cesar sa van ni Sunshine kasama ang mga bata sinabihan lang sila na ihatid na lang muna siya sa kotse niya, para makaiwas na sa mga reporters na gustong mag-interview sa kanila.

Maingat din naman ang mga abogado nila sa pagbigay ng pahayag tungkol sa nangyari sa hearing. Kailangan daw nilang tuparin ang gag order na ibinaba ng judge.           

Pahayag ni Atty. Carlo Alentajan na legal counsel ni Sunshine; “They’re going home.”

Hindi naman niya sinagot ang tanong kung kaninong home uuwi ang mga bata.

“I think it was for the children. That is our priority right now, the welfare of the children, the happiness of the children. So, the children are going home, and we’re happy with that,” dagdag pa niyang pahayag.

Ayon sa abogado ni Cesar na si Atty. Joel Ferrer, mas gusto raw ng mga bata na kay Cesar sila titira dahil iyun naman daw ang bahay na kinalakhan nila.

“Sa ngayon ang sinasabi ng mga bata gusto nilang tumira sa Tivoli, sa daddy nila dahil for one, mas conducive sa kanila ang lugar at mas may pagkakataon silang makita si Cesar from time to time.

“Pero sa ngayon mas gusto ng mga bata na tumira, matulog doon sa Tivoli kay Cesar. Ayaw nila dun sa tinitirhan ni Shine,” pahayag ni Atty. Ferrer.

vuukle comment

AKIHIRO SATO

ANAK

ANG HU

CESAR

PERO

RUFA MAE

SUNSHINE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with