^

PSN Showbiz

Aktor gulat na gulat na nakahubad na agad ang leading lady kahit hindi pa nagsisimula ang taping nila

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista - Pilipino Star Ngayon

Nagkukuwentuhan ang isang director tungkol sa isang actor na may eksenang kukunan with his leading-lady sa isang indie film na ginagawa. Ready na ang palabang aktres at nakahubad na ito na naghihintay sa kuwarto.

Nang pumasok ang leading man ay hindi ito nakapagsalita at na-shocked sa nakita. Bigla itong napaurong at umalis muna sandali. Naikuwento ng director na may kukunang eksena sa kanilang dalawa pero hindi inaasahan na maghuhubad na pala si Aktres na paboritong model ng mga calendar at men’s magazine dahil palaban ito pagdating sa hubaran.

Alex laging nakakulong sa kuwarto kaya pumuti na

Nakausap namin si Alessandra de Rossi na bida ng Liars sa direksyon ni Gil Portes. Naiiba ang karakter na gagampanan niya bilang isang journalist sa naturang indie film.

After ten years muli silang nagkasama ni Direk Gil kaya komportable na siyang makatrabaho ito. Ikaapat na pelikula na niya ito na dinirek ni Portes. Nauna na ang Munting Tinig, Homecoming at Barcelona.

Nitong July 19 ay 29 years old na si Alex at loveless pa rin after ng break up nila ni Jeremy Marquez.

Wala naman siyang boyfriend ngayon at inaming lagi siyang nasa bahay at paboritong magluto.

‘‘Naniniwala naman ako na kusang dumarating ang pag-ibig. Pero sa ngayon zero ang lovelife ko. Kaya nga lagi na lang akong nakakulong sa kuwarto. Ang laki ng ipinuti ko ‘di gaya nun na alas diyes pa lang ng umaga ay nasa labas na ako ng bahay,’’ aniya.

Kasambahay at driver lang kasama ni Alex sa bahay at dumadalaw-dalaw lang siya kay Assunta de Rossi paminsan-minsan para makapag-bonding.

Ang kanyang ina naman ay nasa Italy.

Hindi naman nawawalan ng proyekto si Alex laluna sa paggawa ng indie films kung saan nakalinya na ang Relax, It’s Just Pag-ibig.

Sa kabilang banda may gala premier ang Liars sa July 27 sa CCP.

 

vuukle comment

AKTRES

ALEX

DIREK GIL

GIL PORTES

JEREMY MARQUEZ

JUST PAG

MUNTING TINIG

NITONG JULY

ROSSI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with