^

PSN Showbiz

Jessy emosyonal kapag naaalala na dumanas na walang makain

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista - Pilipino Star Ngayon

Humarap sa entertainment press ang bida ng Maria Mercedes na si Jessy Mendiola. Inamin na­man ng aktres na talagang fan siya ni Thalia na su­mikat sa Marimar at pangarap na maging katulad niya balang araw.

Naiyak ito sa presscon dahil nag-open up tungkol sa sarili. Aniya, ‘‘Matagal ko ring itinago ang aking lihim dahil hindi ko kilala ang aking sarili noon. Lumaki ako sa hirap at katunayan ay halos wala nang makain. Anim na taon nang huli kong makita si Daddy at si Mommy ang tumayong nanay at tatay namin.

“Nagmo-modelling ako hanggang nadiskubreng mag-aartista. Gusto ko nang mag-give up nun dahil hindi naman ako napapansin pero nagpursige ako hanggang magkaroon ng pa­nga­lan.’’

Hindi naman nasayang ang paghihintay ni Jessy dahil nagbunga ang kanyang pagtitiyaga. Nabigyan ito ng malaking break at inilunsad bilang bida ng Sabel noong 2010. Nasundan pa ito ng ibang proyekto at tinampok sa unang pelikulang The Reunion.

Ngayon, dahil sa tinatamasang tagumpay, ay naibibigay nga ni Jessy ang lahat ng pangangailangan ng pamilya lalo na sa kanyang ina.

Lumaki siyang walang tatay at para sa kanya iba pa rin kapag may padre de pamilya. Plano niyang dalawin ang ama sa Dubai kapag maluwag sa kanyang commitment. Ang huling komunikasyon nila ng ama ay last December pa kaya excited ito na makita siya.

Isa ang Maria Mercedes sa dream role ng young actress kaya excited na sa project. Orihinal itong ginampanan ng Mexican superstar na si Thalia noong ’90s.

Inanunsiyo na ng Star Cinema na makakasama rin si Jessy sa gagawing pelikula na tatampukan nina Dawn Zulueta, John Lloyd Cruz, at Richard Gomez. Kilig-kiligan siya kay John Lloyd at pangarap na makapareha siya sa pelikula o telebisyon balang araw.

Teen Gen magtatapos na

Nalulungkot ang buong cast ng Teen Gen dahil magwawakas na ito pero para sa amin may future ang mga kabataang artista dahil magagaling silang umarte at propesyonal pa.

Magkakahiwalay na ang TG Barkadas pero mananatili pa rin silang magkakaibigan kahit saang dako sila ng kapuluan mapadpad. Sina Wacks, Peachy, at Lyka ay sa Cebu na maninirahan at si Angge ay sa Korea mag-aaral. Same school naman sina Madison at Xavi.

 

vuukle comment

DAHIL

DAWN ZULUETA

JESSY

JESSY MENDIOLA

JOHN LLOYD

JOHN LLOYD CRUZ

LUMAKI

MARIA MERCEDES

TEEN GEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with