^

PSN Showbiz

Ginamit nang magkasakit ang ka-miyembro ng pamilya young actress nagbabayad ng utang na lumubo na ang halaga dahil sa interes

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Natuwa naman ako dahil mainstay ng isang teleserye ang young actress na breadwinner ng pamil­ya.

Can’t afford ang young actress na mawalan ng TV projects dahil siya ang inaasahan ng kanyang mga kamag-anak. Hanggang ngayon nagbabayad pa rin siya ng mga utang. Nangailangan noon ng malaking halaga ng pera ang young actress dahil nagkasakit ang isang miyembro ng kanyang pamily­a. May nagpautang sa kanya ng datung pero may patong na tubo.

Mabait at maasikaso ang young actress kaya good karma siya. Wish ko lang, magtuluy-tuloy ang mga assignment niya sa kanyang mother studio.

‘Susuportahan ko ang Misibis Bay’

Nakatanggap ako ng reminders tungkol sa presscon kagabi ng Misibis Bay sa Midas Hotel sa Pasay City pero hindi ako dumalo dahil may kalayuan ang venue.

Nag-usap na kami ng TV5 executive na si Perci Intalan at sinabi ko sa kanya na gustuhin ko man, hindi ako makakapunta dahil umiiwas ako sa trapik, pati na sa unpredictable weather.

Susuportahan ko naman ang Misibis Bay dahil kasama sa cast si Christopher de Leon.

Sinusuportahan ko nga ang ibang mga TV show na wala akong alaga na kasali, ang Misibis Bay pa kaya?

Shaina deserving ng prominent billing, lumaki na sa showbiz kahit hindi pa nagbibida sa pelikula

Sa true lang, naka-feel ako ng lungkot para kay Shaina Magdayao nang makita ko ang billing ng kanyang pangalan sa Four Sisters and a Wedding.

Tanggap ko na hindi pa nagbibida sa pelikula si Shaina kaya nasa second line ang kanyang pangalan sa posters at billboards ng kanilang pelikula pero sana naman itinulad ang size ng pangalan niya sa sukat ng mga pangalan nina Bea Alonzo, Toni Gonzaga, at Angel Locsin.

Deserving si Shaina sa prominent billing ng kanyang pangalan dahil lumaki siya sa showbiz.

Magaan ang loob ko kay Shaina dahil bagets pa lang siya magkasama na kami sa isang afternoon show ng GMA 7. Mabait at tahimik na bata si Shaina kaya type na type ko siya.

Kabadingan nina Dennis at Tom pinag-uusapan sa parlor

Wala akong puwedeng ikomento sa My Husband’s Lover dahil hindi ko ito napapanood.

Alam ng lahat na maaga ako kung matulog kaya hindi ko naaabutan ang My Husband’s Lover. Nababasa ko sa mga diyaryo at naririnig ko na lang sa parlor ni Bambbi Fuentes ang kuwentuhan ng mga baklita tungkol sa love story nina Tom Rodriguez at Dennis Trillo.

Effective ang dalawa sa pagganap na bading pero never na pinagdudahan ang kanilang mga kasarian.

Walang bahid na kabadingan sina Tom at Dennis dahil mga tunay na mhin sila.

Salamat Mama Cristy

Maraming salamat kay Mama Cristy Fermin dahil sa mga gulay na ipinadadala niya sa akin.

Nakakatuwa ang mga gulay na mula sa farm ni Mama Cristy sa Nueva Ecija. Nakakaloka ang mala­laking kalabasa, talong, at sitaw na nakakatakam na iluto at kainin.

   Malulusog ang mga gulay kaya hindi puwedeng i-deny na magaling mag-alaga ang mga caretaker ni Mama Cristy sa kanyang farm.

vuukle comment

AKO

DAHIL

MAMA CRISTY

MISIBIS BAY

MY HUSBAND

SHAINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with