^

PSN Showbiz

‘Sobrang fan ako ni Charice, ang admiration ay mutual’ - Sarah

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

“Sobrang fan ako ni Charice, and ang admiration ay mutual,?” sabi ni Sarah Geronimo nang tanungin siya tungkol sa sinabi ng tomboyitang si Charice na crush siya nito na lumabas sa ABS-CBN.com nang salubungin siya kahapon mula Amerika kung saan nagkaroon siya ng series of concerts kasama si Matteo Guidicelli bilang guest.

“Ako ay hangang-hanga sa talento ni Charice, at lahat tayo ay nagdarasal para sa kanya,” dagdag ni Sarah.

The other day lang sinabi ni Charice na type niya si Sarah dahil bukod sa maganda at talented ay sobra pa ang kabaitan kung saan ipinagtanggol pa siya nang magsimula ang isyu sa kanyang katomboyan noon.

Nagkasama ang dalawa nang maging contestant si Charice sa Little Big Star, isang singing contest sa ABS-CBN kung saan si Sarah ang host.

Eula binigyan ng bonggang debut ng Kapatid Network

Talagang all out ang suporta ng TV5 kay Eula Caballero.

Last Thursday night ay binigyan siya ng bonggang party para sa kanyang debut na ginanap sa Oasis Events Place. Aba bongga dahil talagang ginastusan ang party kung saan inimbitahan ang mga malalapit na kaibigan ni Eula para sa traditional 18 roses, 18 Fortunes at 18 Warriors.

Naging escort niya si Direk Eric Quizon na direktor ng Cassandra: Warrior Angel.

Nagkaroon ng grand entrance si Eula suot ang puting gown na gawa ni Ariel Agasang at prinsesang-prinsesa siya sa ayos ng magaling at kilalang make up artist na si Bambbi Fuentes. Si Divine Lee naman ang nagsilbing host ng party.

Kaya naman nag-uumapaw ang kaligayahan at pasasalamat ni Eula na hindi napigilang umiyak nang magkaroon siya ng chance na magsalita.

“Dati lang po akong probinsiyanang nangangarap lang maging artista, fifteen years old pa lang pangarap ko na ito,” simula ni Eula.

Pero ngayon nga naman ay sobra-sobra ang suportang ibinibigay sa kanya. Nakailang serye na siya at nakasama na rin niya ang malalaking artista at hindi basta malalaki, isa si superstar Nora Aunor.

At ngayon lead star pa siya sa primetime fantaserye ng Kapatid Network, Cassandra : Warrior Angel.

Isa rin sa nagpa-iyak kay Eula nang gabing ‘yun ng kanyang 18th birthday ay ang pagdating sa party ng kanyang ina at ilang kamag-anak.

Kabado siya sa umpisa ng party na majority ng guests ay naka-black habang siya ay naka-white gown kaya naman lutang na lutang siya sa stage.

Glee stars natabunan ng nanay ni Charice

Natabunan kahapon ang pagdating sa bansa ng Glee stars na sina Jacob Artist, Melissa Benoist, at Becca Tobin na dumating sa bansa madaling araw ng Biyernes.

Naunang dumating sa kanila sa bansa si Dean Geyer na kasama rin sa hit musical show kung saan nakasama rin minsan si Charice.

Inamin ba namang kasi ng nanay ni Charice na dati rin siyang tonggril as in tibo, tomboy.

Nagulantang tuloy ang marami. May pinagmanahan naman daw pala ang singer eh bakit pa kailangan nilang mag-away-away. Hindi na lang silang mag-usap-usap sa bahay nila para hindi na sila nakakahiya. Eh sa TV pa sila naglalantad ng kanilang mga away.

Nasa bansa ang apat na Glee stars para sa isang Coke event.

vuukle comment

ARIEL AGASANG

BAMBBI FUENTES

BECCA TOBIN

CHARICE

DEAN GEYER

DIREK ERIC QUIZON

EULA

KAPATID NETWORK

SIYA

WARRIOR ANGEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with