^

PSN Showbiz

‘Hindi lahat ng bagay ay nadadaan sa pagpapatawa!’

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Kahit pa maraming pros and cons sa ginawang paghingi ng dispensa ni Vice Ganda kay Jessica Soho ay talagang dapat nang mag-move on ang lahat ng kasangkot sa isyu para lang mawala na ang pait at sakit na lumabas.

Marami ang matututunan sa naging kaganapan, lalo na sa komedyante na hindi lahat ng bagay, pangyayari, at tao ay maaaring gamitin sa pagpapatawa.

Hiro pinagdamutan ng mga Magalona

Totoo kayang ayaw ipagamit ni Pia Magalona sa batang aktor na si Hiro Pe­ralta ang kanilang apelyido kung kaya ang dating Magalona na ginagamit nito ay Peralta na ngayon? Mabuti na lang at nangyari ito ngayong nagpapakilala pa lamang ang batang artista at hindi ’yung tanggap na siyang Magalona. At nasabay ang pagpapalit niya ng apelyido sa pagbibida niya sa Anna Karenina.

Isa si Hiro sa mga kabataang sinasanay sa Walang Tulugan with Master Showman. Maski sa programa ko ay kinakitaan ko na siya ng talento at determinasyon kaya hindi na ako nagtataka na napansin siya ng pamunuan ng GMA.

Sana mapansin din nila ’yung iba pang young talents na hinahasa sa Walang Tulugan. Sana…

Mark mawawalan na rin ng trabaho ’pag Linggo?

Sana man lamang ay makasama si Mark Herras sa show na papalit sa Party Pilipinas. Mapapakinabangan sa show ang kanyang pagsayaw. At kakaunti lang naman silang artista na may ganitong talento kaya sana nga ay makita siya sa bagong palabas.

vuukle comment

ANNA KARENINA

HIRO PE

MAGALONA

MARK HERRAS

MASTER SHOWMAN

PARTY PILIPINAS

PIA MAGALONA

SANA

WALANG TULUGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with