^

PSN Showbiz

Maricel Laxa-Pangilinan sasabak na sa radyo!

SVA - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sasabak sa radyo ang celebrity mom at parenting advocate na si Maricel Laxa-Pangilinan upang pagbuklurin ang bawat pamilyang Pilipino at gaba­yan sila sa kanilang mga problema sa pinakabagong programa ng DZMM na Kapamilya Konek na magsisimula na ngayong Linggo (Abril 21) ng 5:00 p.m.

Nagbabalik-Kapamilya si Maricel upang maghatid ng serbisyo publiko at makabuluhang talakayan linggu-linggo na aniya’y isang pambihirang pagkakataon na ibinigay sa kanya ng DZMM.

“Tinanggap ko ang programa dahil malapit ito sa ginagawa ko at gusto kong maipalaganap ang advocacy ko sa pamamagitan ng radyo. Mas maraming tao rin ang maaabot nito,” sabi ni Maricel.

Kilala si Maricel bilang isang hands-on mom sa kanyang limang anak at nakapaglathala na rin ng tatlong children’s books. Nagtapos siya ng master’s deg­ree sa family and life development mula sa UP Diliman at aktibo sa mga usapin ukol sa kalusugan, tamang nutrisyon, at edukasyon.

Sa Payong Kapamilya segment ng programa, tatalakayin ang mga suliranin sa tahanan kasama ang isang live guest na siya namang idudulog sa mga expert para sa payong propesyonal.

Magsisilbi namang tulay ang segment na Konek sa Korek para sa mga tagapakinig at manonood na may katanungan at nangangailangan ng gabay mula sa iba’t ibang organisasyon, pati na mga pribado at pampublikong ahensiya.

Samantala, pagtatagpuin sa Kapamilya Konek ang magkakapamilyang pinag­hiwalay ng kahirapan, trabaho, o tadhana sa loob o labas man ng bansa sa pamamagitan ng libreng kamustahan on air o libreng pamasahe para sa kanila.

Tampok din sa programa ang guro na si Tina Zamora para himayin ang mga isyu sa eskuwela ng mga bata, at ang Family Friendly Ito! segment kung saan magbibigay ng mga suhestiyon para sa abot-kaya, ligtas, at nakakalibang na bonding activities para sa buong mag-anak.

Dagdag pa ni Maricel, isa ring award-winning actress, na malaking responsibilidad para sa kanya at ng asawa niyang si Anthony Pangi­linan na ituring na huwaran ng marami ang kanilang pamilya.

“Isa itong malaking karangalan pero pressure din para sa amin. Hindi kami perfect pero sineseryoso namin ang pagpapalaki sa aming mga anak. Madami kaming gustong ibahagi pero ang pinakamalapit sa aming puso ay ang turuan ang mga bata na mahalin ang kanilang mga magulang at ituring silang role model,” sabi ni Maricel.

Eddie Garcia at Bossing Vic hindi tinabla si Chiz!

Uy, bongga. Kung ang ibang mga kandidato ay nahihirapang magha­nap at gumastos ng limpak-limpak na milyones para sa mag-e-endorso sa kanilang kandidatura sa darating na Mayo 13 elections, kabaliktaran pala ang nangyari kay Sen. Chiz Escudero.

Nakuha niya nang walang ka-effort-effort ang walang kupas, award-winning actor at mukhang hindi nagkakaedad na si Eddie Garcia at ang magaling at walang kapantay na si Vic Sotto ang dalawa sa bigating nag-eendorso kay Sen. Chiz  na muling kumakandidato sa pagka-senador.

“Ang kandidato ko buo ang loob, handang lumaban, matapang. (My candidate is committed, ready to fight, courageous),” ayon kay Tito Eddie sa ads na ginawa niya para kay Sen. Chiz.

 â€œAng senador ko, bossing ang taong bayan. (My senator holds the people as his boss),” sabi naman ni Vic habang kausap ang isang batang lalake para sa isang commercial ad.

 Noong 2007 nang huli nating makita si Tito Eddie kung saan tinulungan niya sa kampanya ang namayapang si FPJ.

“I believe in Chiz, as do millions of Filipinos,” say niya at nakahanda siyang itaya ang pangalan para sa kanyang kandidato.

Siyempre, kung maselan sa pag-eendorso si Tito Eddie ganundin si Bossing Vic na siyempre ay brother ni Senate Majority Leader Tito Sotto at bahagi nang ageless comic trio Tito, Vic, and Joey (de Leon).

Super choosy din si Bossing pagdating sa political endorsement, dahil inire­reserba niya ito sa pagtulong kay Sen. Tito.

 â€œSimple lang, gusto ko sya. (It’s simple, I like him),” katuwiran ni Bossing.

He notes that Escudero’s message of change and new politics appealed to him, and the youthful senator’s unassuming ways mirrors his own low-key approach to life.

At dito panalo si Sen. Chiz. Wala siyang ginastos na milyones para bayaran ang mga nag-eendorso sa kanya. Pawang walang perang pinag-usapan kina Tito Eddie at Bossing Vic. Tanging paniniwala nila kay Chiz ang puhunan.

“We didn’t have problems with the endorsements of Manoy and Bossing because they were given for free. There were no legal paperwork or marketing contracts to sort out. We just had to work out the schedules for the shoot of the TV commercials,” sabi ng isang miyembro ng campaign staff ni Escudero.

At dito lamang ang boyfriend ni Heart Evangelista, malaki ang tiwala ng maraming tao sa kandidatura niya (Escudero).

Sumasalamin ito sa hangarin ng milyung-milyong Pinoy – kasama na sina Tito Eddie at Bossing Vic – na makabagong tatak ng pulitika.

Alex Gonzaga pasok agad na correspondent sa The Voice

Nagbabalik-Kapamilya ang actress-host na si Alex Gonzaga matapos itong pormal na pumirma ng two-year contract kamakailan sa ABS-CBN.

Unang sasabak si Alex sa inaabangang singing competition na The Voice of the Philippines kung saan sasamahan niya si Robi Domingo bilang social media correspondent. Magbabalik-komedya din si Alex sa kanyang pagsama sa Banana Nite at balik-drama din sa kanyang pagpasok sa isang teleserye.

“Itong mga proyektong hinanda ng ABS-CBN para sa akin ay mga bagay na gustong gusto ko talagang gawin. May hosting, comedy at drama kaya naman wala na akong mahihiling pa,” sabi ni Alex na nagsimulang mag-artista sa ABS-CBN noong 2006 bilang cast ng youth-oriented sitcom na Let’s Go.

Dumalo sa contract signing sina ABS-CBN president at CEO Charo Santos-Concio, ABS-CBN broadcast head Cory Vidanes, Star Magic consultant Johny Manahan at talent manager na si Pinty Gonzaga.

Matagal-tagal ding namalagi si Alex sa TV5 bago siya nagbalik-Kapamilya. Balitang hinaharang ang mga proyekto niya doon kaya lumayas ito nang tuluyan.

vuukle comment

ALEX

ALEX GONZAGA

BOSSING

BOSSING VIC

CHIZ

MARICEL

PARA

TITO EDDIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with