^

PSN Showbiz

Dahil sa bokalista ng The Script, Janine hiniwalayan na ang boyfriend

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Kahapon ay marami ang nagulat sa mga naging rebelasyon ni Janine Tugonon sa programang Kris TV. Magkasamang nag-guest sina Janine at ang kasintahan niyang nonshowbiz na si Jaypee Santos sa morning show ni Kris Aquino. Habang magkatulong na nagluluto ng tinola sina Janine at Jaypee ay kinamusta sila ng Queen of All Media.

“Actually, honestly, ngayon we are not in good terms. Siguro may nangyari lang na hindi ko ini-expect na mangyayari,” tahasang pag-amin ni Janine.

“Honestly po kasi break talaga kami ngayon.”

Kamakailan ay nagkakilala sina Janine at ang bokalista ng The Script na si Danny O’Donoghue at aminado ang Miss Universe 1st runner-up na na-attract siya sa international singer.

“Nanood kami ng concert kasi’ di ba sa Araneta may meet and greet? Since kilala ko ang staff ng Araneta, sabi ko sa kanila, ‘Sobra akong fan ng The Script. Puwede bang ma-meet ko? So, na-meet niya (Danny) ako, nandoon siya (Jaypee), ipinakilala ko nga siya.

“Tinanong niya (Danny), ‘Do you have a boyfriend?’ Sabi ko ‘Yeah, that’s my boyfriend.’ Sabi niya, ‘Follow me on Twitter and I will follow you back.’ ’Tapos nag-direct message siya. Oo, nagalit siya (Jaypee) kasi sabi niya, ‘Kung ayaw mo talaga sa taong ’yan, hindi mo siya kokontakin,” kuwento ni Janine.

Napag-usapan nila ni Jaypee ang nasabing pangyayari at tuluyang nauwi na raw sa hiwalayan ang kanilang relasyon.

“Kasi nga ayaw ko naman na may iba akong iniisip. Sabi ko lang sa kanya siguro I need some time to think talaga. Akala ko kasi si Danny, baka that night lang o nagandahan lang and all, pero feeling ko siya rin ay gusto niyang makilala ako.

“Actually, hindi naman kami ni Danny. Nagte-text siya everyday simula noong nag-concert siya rito,” pagtatapat ng dalaga.

Nauunawaan naman ni Jaypee ang naging desisyon ni Janine at hihintayin pa rin ng binata kung anuman ang magiging desisyon ng dating kasintahan.    

Pangarap ni Jhong natupad kay Sen. Lapid

Inamin ni Jhong Hilario na natupad na ang pangarap niyang makatrabaho si Sen. Lito Lapid. Bata pa lamang daw si Jhong ay hinahangaan na niya ang action star na naging senador. Magkasama ngayon ang dalawa sa teleseryeng Little Champ sa Primetime Bida ng Kapamilya Network.

“Dream come true kasi isa siya sa mga motivation ko para mag-aral ng tumbling and Ben Tumbling pa lang idol na idol ko na ’yan. Lumalabas sa bahay ng umiikot, ’yon. And isa pa, action star, at kung pag-uusapan ang kasikatan, sobrang sikat siya dati pagdating sa action. Kaya ako, biglang hindi naman baguhan pero nagsisimulang mag-lead, sobrang sarap ng experience,” nakangiting pahayag ni Jhong.

Maganda ang ratings ng nasabing programa kaya naman labis ang kasiyahan ng aktor nang magsimula itong umere kamakailan. Mahigit isang taon kasi ang hinintay ng lahat bago ito naipalabas. “Thank you sa lahat ng mga sumusuporta kasi hindi nila alam ’yung hirap na pinagdadaanan namin sa project na ito. Biruin mo almost two years na naming ginagawa ito? ’Yung mga producer na­ming sobrang pinaglalaban nila ’yan sa management, ’yung gastos at sobrang naguguluhan, sa rami ng artista minsan hindi nagkakatugma-tugma (sa schedule),” paliwanag ng aktor. Reports from JAMES C. CANTOS

 

                      

vuukle comment

ARANETA

BEN TUMBLING

JANINE

JAYPEE

JHONG

KASI

SABI

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with