^

PSN Showbiz

Aktres gusto ng maanakan ng isang opisyal ng gobyerno!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Natawa kami sa tsika ng kaibigang reporter sa pagpi-flirt ng isang aktres sa isang government official na nakilala ng una sa isang out-of-town show. Na-impressed ang aktres sa talino ng government official dahil maayos ang pamamalakad sa pinamumunuang lugar kaya gustong magpalahi rito.

 Ibig sabihin, gustong magkaanak ang aktres sa government official at very obvious ang pagpi-flirt niya sa government official na iwas naman nang iwas. ‘Kaloka naman ang aktres dahil hindi alam ang ka­sarian ng government official.

Napagod na siguro sa pag-iwas sa aktres ang go­vernment official at sinabi kung ano siya. Ob­vious­ly, narinig ‘yun ng aktres o may nagparating dahil bigla na lang dumistansiya sa government official.

Lovi kamukha na ni Vanessa Hudgens

Inabot ng apat na oras ang cat fight nina Lovi Poe at Jennylyn Mercado sa Regal Entertainment, Inc. movie na The Bride and the Lover na showing sa May 1. Iyon ay kahit ginalingan na ng dalawa ang eksena para hindi sila kagalitan ni Direk Joel Lamangan at para hindi na ulitin pang take.

Parehong takot kay Direk Joel sina Lovi at Jennylyn kaya nang sabihin ng direktor na gusto niyang totohanin ng dalawa ang eksena, talagang tinotoo nila. May sampalan, sipaan, at sabunutan ang da­lawa.

Sabi ni Lovi: “It was really fun and one of my favorite scenes ang cat fight at may moment na habang tumatawa ka ay iiyak ka. We know it was just work, nag-hug kami after the scene.”

May eksena pala sa movie na buma-Vanessa Hudgens si Lovi at sa presscon nga, sa kanyang curly hair, makeup, at damit ay kamukha na niya ang Fil-Am actress. Sayang at hindi siya nakita ni Zac Efron nang dumating ang actor dito.

Samantala, malabo palang tanggapin ni Lovi kung kunin siya ni Ronald Singson na magbida sa gagawin nitong pelikula.

“It will never happen, ang hirap, awkward ’yun. Alam kong trabaho lang pero awkward pa rin. Kung cameo role, okay lang, pero ’di ko pa rin nagawa sa Coming Soon. Iba ‘pag full movie na,” sagot ni Lovi.

 

vuukle comment

BRIDE AND THE LOVER

COMING SOON

DIREK JOEL

DIREK JOEL LAMANGAN

JENNYLYN MERCADO

LOVI

LOVI POE

OFFICIAL

VANESSA HUDGENS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with