^

PSN Showbiz

Pambababoy ng amain sa tinuturing na anak bistado kay Julius

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa isang pamilya, layunin ng isang ama ang protektahan ang kanyang mga anak lalo na ang mga anak na babae. Ngunit iba ang kinahinatnan ng limang taong gulang na si Dasha dahil ang kinagisnang ama pa pala ang magdudulot ng kapahamakan sa kanya.

Bibistuhin ni Julius Babao ang malagim na sinapit ng musmos sa kamay ng amaing si Edmundo ngayong Lunes (March 4) sa Pinoy True Stories: Bis­tado.

Hiwalay na sa unang asawa si Liza at nakatagpo siya ng bagong pag-ibig sa katauhan ni Edmundo. Walang kamalay-malay ang ginang na ang kinakasama pala ay may kababuyang ginagawa sa sarili niyang anak. Nalantad ang kahayupan ng kanyang live-in partner nang ilahad mismo ng bata ang ginagawang pangmomolestiya sa kanya nito. Paano nga ba hinalay ang walang labang musmos?

Tunghayan ang buong kuwento ngayong Lunes sa Pinoy True Stories: Bistado, 4:45 p.m., sa ABS-CBN. Para sa updates tungkol sa programa, bisitahin ang www.abs-cbnnews.com/currentaffairs.

Abangan din ang ibang mga bagong Pinoy True Sto­ries hatid ng ABS-CBN News and Current Affairs, tulad ng Engkwentro ni Karen Davila tuwing Martes, Saklolo nina Maan Macapagal at Dominic Almelor tuwing Miyerkules, Demandahan ni Anthony Taberna tuwing Huwebes, at Hiwaga ni Atom Araullo tuwing Biyernes.

vuukle comment

ANTHONY TABERNA

ATOM ARAULLO

DOMINIC ALMELOR

EDMUNDO

JULIUS BABAO

KAREN DAVILA

MAAN MACAPAGAL

NEWS AND CURRENT AFFAIRS

PINOY TRUE STORIES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with