^

PSN Showbiz

Erich ka-level ang tingin sa BF kahit 10 years ang agwat

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Magda-dalawang taon nang karelasyon ni Erich Gonzales ang isang nonshowbiz guy na sinasabing isang businessman daw. Ayon kay  Erich, matagal na niyang kakilala ang lalaki bago pa sila naging opisyal na magkasintahan.

“Nakilala ko siya through common friends. Mga three or four years muna kami naging magkaibigan, tagal na talaga. It’s cool nga because he’s not only my boyfriend, he’s my best friend. We have no secrets. I can talk to him about anything. Cool lang. Hindi lang puro romance. I don’t think we will last this long kung hindi dahil sa friendship. Doon nabuo ang foundation na super strong,” paglalahad ni Erich.

Idiniin ng dalaga na hindi matanda ang kanyang kasintahan katulad ng mga naglalabasang balita.

“I’m twenty two years old and he’s thirty two. So, ten years ang age gap namin. I think it’s better. I don’t think na ’yung mga ka-age ko ngayon can handle me, maturity-wise. And they say na kapag babae ka, mas mabilis mag-mature. Single siya and ready to mingle with me. Walang anak po,” giit pa ng aktres.

Naiintindihan ng binata ang trabaho ni Erich kaya hindi ito nagseselos sa mga nakakapareha ng dalaga.

“Wala naman po siyang dapat ikaselos. He knows my work. Alam niya ’yung trabaho ko prio­rity ko talaga. He’s very supportive. Kunwari kapag meron akong movie, magpapa-block screening siya kasama ng mga friend namin. Ganun, kumbaga incognito lang, silent support lang,” kuwento ng dalaga.

Nilinaw ni Erich na hindi engagement ring ang suot niya kamakailan nang mag-guest siya sa Kris TV.

“I’m still focused on my work so hindi puwede. I’m not engaged. The ring was a gift, pero hindi siya engagement ring. Matagal pa. Ang dami ko pang gagawin sa buhay ko,” pagtatapos ng aktres.

Sarah gustong dumistansiya kay Maja

Nagbigay na rin ng reaksiyon si Sarah Geronimo tungkol sa napa­balitang pangliligaw daw ni Ge­rald Anderson kay Maja Salvador nga­yon. Naging kontrobersiyal kamakailan ang pangliligaw ng aktor kay Sarah habang si Maja naman ay malapit ding kaibigan ng Pop Princess.

“Si Maja, naging malapit din po sa akin. Basta I wish her true, true love. Totoong pagmamahal,” seryosong pahayag ni Sarah.

Wala raw dapat pag-usapan sina Sarah at Maja tungkol sa pangliligaw ng aktor sa huli.

“Basta gusto ko na lang po munang dumistansiya nang hindi na ito gumulo nang gumulo at lumaki nang lumaki. Si Maja, matanda na rin, alam na po niya ang ginagawa at desisyon niya. Hayaan po natin siya,” giit pa ng dalaga. Reports from James C. Cantos

vuukle comment

BASTA I

ERICH

ERICH GONZALES

JAMES C

MAJA

MAJA SALVADOR

POP PRINCESS

SI MAJA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with