^

PSN Showbiz

Zsa Zsa nakaligtas sa torture ng yearend reports

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Tama pala ang decision ni Zsa Zsa Padilla na umalis ng bansa at sa Japan magpalipas ng Bagong Taon.

Laman ng lahat ng yearender reports ang pagkamatay ng kanyang lovey. Image kung andito nga naman siya, ‘di sana na-torture lang siya dahil kabi-kabila niyang mapapanood at mababasa sa mga dyaryo at maging sa Internet ang nangyaring pagpanaw ng kanyang mahal na matagal nakipag­laban sa sakit na OPD bago tuluyang namaalam sa mundo.

Ang pagkamatay ni Dolphy ang pinakamala­king balita sa showbiz noong nakaraang taon.

Claudine hindi na nakakasama nina Gretchen at Marjorie

Ngayong taon ng mga ahas, umaasa naman ang mga kaibigan ni Claudine Barretto na magi­ging maganda ang pasok nito sa aktres.

Ang daming kinasangkutang gulo ng aktres noong nakalipas na 2012. Una ay nang magkaroon ng isyu sa bangko kung saan balitang nag-una­han silang mag-withdraw ng asawang si Ray­mart Santiago. Gumawa pa raw ng eksena ang mag-asawa. Pero hindi ‘yun ang highlight.

Ang pina­ka-grabe ay ang gulong kinasangkutan nila with Mr. Mon Tulfo na nangyari sa airport. Lumobo ang isyu dahil nakunan ng video sa cell phone ng mga taong andun sa airport ang rambulan nila. Umabot sa demandahan ng magkabilang panig. Wala pang resolution sa nangyari dahil parehong umaapela sa kanya-kanyang demanda ang dalawang panig.

Kamakailan lang ay muling naging isyu ang tungkol sa pakikipagtalo raw ni Claudine sa isang doctor. Pero hindi na rin lumaki ang isyu.

Maging sa career ni Clau­dine ay apektado sa mga nangyari sa kanya. Hin­di siya nakakontrata sa kahit anong network nga­yon.

Kaya naman umaasa ang mga kaibigan nitong si­sigla ang career nito nga­yong 2013.

Napansin din nilang hin­di nakakasama ng mga kapatid niyang sina Gretchen at Marjorie si Claudine. Madalas daw nilang makita sina Gretchen at Marjorie na magkasama sa Instagram photos pati ang anak ng dalawa pero wala raw si Claudine o maging ang anak nito.

Nasaan daw ba ang aktres ngayon... Miss World runner-up Gwendoline Ruais naglaho na sa eksena

Ano na bang nangyari kay Gwendoline Ruais, ang 2011 Miss World second princess.

Nagpa-cancel daw ito ng kontrata sa Viva pagkatapos pumirma months ago ng managerial contract sa kumpanya ni Mr. Vic del Rosario.

Wala nang balita sa kanya habang may career pa ngayon ang mga kapwa niya beauty queen na sina Venus Raj and Shamcey Supsup at ngayon nga ay si Janine Tugonon naman.

Nagpahiwatig noon si Gwendoline na gusto niyang maging lifestyle show host, pero obviously hindi natupad.

Parang mas maingay nga ang career ng mga nanalo sa Miss Universe kesa sa Miss World. Parang hindi nga gaanong pinag-uusapan pag nanalo sa Miss World.

vuukle comment

BAGONG TAON

CLAUDINE

CLAUDINE BARRETTO

GRETCHEN

GWENDOLINE RUAIS

JANINE TUGONON

MISS UNIVERSE

MISS WORLD

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with