^

PSN Showbiz

Aktres na dating man in uniform ang ex, tomboy ang karelasyon ngayon!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Hindi pa namin nakakausap ang aktres na natsitsismis na may syotang tomboy kaya hindi pa namin alam kung itatanggi, aaminin, o deadma lang siya sa isyung pinagtsitsismisan. Mahilig su­­magot ng mahaba ang aktres kaya ini-expect namin ang mahaba niyang sagot sa tsikang ito.

Nakikitang rumarampa ang aktres kasama ang tomboy at kung totoong may relasyon sila, ibig sabihin, hindi nila itinatago. Sabagay, kami’y naniniwala na kung saan ka masaya at kung sino ang magbibigay sa ’yo ng saya at katahimikan, doon ka.

Hindi lang maiwasang ikumpara ang past relationship ng aktres sa isang man in uni­form kaya nakagugulat ang pinili niyang mahalin ngayon.

Kung totoo ito, kabilang na ang aktres sa mga taga-showbiz na masaya sa pakikipag-relasyon sa same sex. May dalawang aktres din na masaya sa kanilang tomboy na karelasyon at nakikita pa silang rumarampa sa Greenbelt, Makati City.

Kathryn at Daniel natabunan nina Kris, Vice at AiAi

Kasama sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa Sisterakas pero hindi sila masyadong na-interview dahil isinabay ba naman kina Kris Aquino, Vice Ganda, at AiAi delas Alas. Maliban sa pagsasabi ng kani-kanilang roles at masaya sila na makasama ang three big stars ng ABS-CBN at Star Cinema sa first Metro Manila Film Festival (MMFF) movie nila, wala nang narinig sa mga bagets.

Ang ganda-ganda pa naman ni Kathryn sa presscon at very proud namang nag-escort sa kanya si Daniel. Maliban sa nabanggit namin.

 Sa Twitter pa namin nalamang may bagong pelikula ang dalawa at kundi kami nagkakamali, launching movie na nila. Inihahanda na raw ang wala pang title na pelikula ng love team nina Kathryn at Daniel.

Sen. Bong si Jillian ang lucky charm

Nagyakapan sina Jillian Ward at Ryzza Mae Dizon sa grand presscon ng Si Agimat, Si Enteng Kabisote at Si Ako at sa gesture ng mga bagets, tinigilan sila ng press sa pang-iintriga. Walang nagtanong kay Jillian sa bi­nang­git ni Ryzza Mae na movie niya ang pelikula nila at guests lang silang lahat nito.

Matutuwa pala si Jillian kung totoong ilalagay na ang picture niya sa poster ng Si Agimat, Si Enteng Kabisote at Si Ako at kung totoong isasama ang mga eksena niya sa trailer. Pero kahit wala ang mga ’yun, tutulong pa rin siya sa pagpo-promote ng pelikula and in fairness, present siya sa presscon ’pag pinapupunta siya.

Sa isang interview kay Sen. Bong Revilla, Jr. nabanggit nitong siya ang lucky charm nito. Ano ang masasabi niya?

Wala ang manager at ama ni Jillian nang interbyuhin namin, walang nagturo sa kanya nang isasagot, nakakagulat ang bagets.

Hindi lang sa Kap’s Amazing Stories magkasama sina Bong at Jillian, pati sa Indio dahil si Jillian ang gaganap na young Rosa (played by Maxene Magalona na isa sa kapareha ng senador).

Edgar Allan idinenay si Eugene

Nag-swear si Edgar Allan Guz­man na hindi niya nililigawan si Shaira Mae dela Cruz ng Artista Academy kahit nali-link sila. After ng break-up nila ni Jolan Veluz ng Sexbomb, ayaw muna niyang ma­kipagrelasyon at totohanan nang magpu-focus sa kanyang career.

Natatawa naman si Edgar sa pagli-link sa kanila ni Eugene Do­minguez dahil lang nakikita silang magkasama at dahil sa Bona.

 

vuukle comment

AMAZING STORIES

ARTISTA ACADEMY

BONG REVILLA

DANIEL PADILLA

JILLIAN

KATHRYN

SHY

SI AGIMAT

SI AKO

SI ENTENG KABISOTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with