^

PSN Showbiz

Doktor nakatikim ng galit ng aktres, sinigaw-sigawan Claudine nagwala sa hospital?

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Papunta ako kahapon sa lunch date namin ng aking bestfriend Pinky Tobiano nang marinig ko sa radyo ang balita na nagwala raw si Claudine Barretto sa isang ospital.

“Raw” dahil kulang ang detalye ng ibinalita sa radyo. Nangyari raw ang insidente sa isang ospital sa Pasig City at diumano, isang doktor ang nakatikim ng galit ni Claudine.

Mas makabubuti na hintayin natin ang pagsasalita ni Claudine bago pairalin ang sari-saring mga espekulasyon. Kung totoo man na nangyari ang insidente, malamang na may pinagmulan dahil hindi naman basta-basta magagalit si Claudine.

Nabanggit din ang pangalan ni Raymart sa pi­nag-uusapan na insidente sa ospital. Puwedeng si Raymart ang magbigay-linaw sa bagong kontrobersiya na kinasasangkutan ng kanyang asawa.

Pinky na-trauma rin sa naging kapalaran ni Manny

Pinanood ng aking bestfriend Pinky Tobiano ang laban nina Congressman Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez noong nakaraang Linggo.

Ang sabi ni Mama Pinky, big news sa Las Vegas ang nangyari kay Pacquiao at pati siya, inusisa ng mga salesclerk ng mga shopping store na pinuntahan niya. Ang ending, nag-stay na lamang sa hotel room si Mama Pinky para makaiwas siya sa mga nagtatanong sa kanya tungkol kay Pacquiao. Hindi na siya nag-shopping o kumain sa restaurant.

Nag-room service na lang siya pero nang duma­ting ang Indonesian waiter na naghatid ng kanyang pagkain, tungkol pa rin kay Pacquiao ang  topic. First time ni Mama Pinky na nanood ng laban ni Pacquiao sa Las Vegas at na-trauma siya sa mga eksena na nasaksihan niya.

Hindi nag-iisa si Mama Pinky sa kanyang Las Vegas experience dahil lahat ng mga Pinoy na nanood ng laban, inuusisa ng mga Amerikano na nakasalamuha nila. Kanya-kanya ng opinyon ang mga usisero na malungkot na malungkot din sa pagkatalo ng Pambansang Kamao.

Presscon ng Agimat, Pinakamalaki sa lahat ng kasali sa MMFF

Sobrang dami ng mga tao sa presscon ng Si Agimat, Si Enteng Kabisote at si Ako sa Annabel’s Restaurant noong Huwebes.

So far, ang presscon ng filmfest movie nina Senator Bong Revilla, Jr.. Vic Sotto at Judy Ann Santos ang biggest presscon na nakita ko.

Marami ang mga nagpaimbita dahil gusto raw nila na makausap ng personal ang mga bida ng pelikula.

Alas-tres nang hapon ang imbitasyon para sa presscon ng Si Agimat, Si Enteng Kabisote at si Ako pero inabot ito nang gabi dahil sa rami nang mga duma­ting na press people.

Nangako ang showbiz press na susuportahan nila ang filmfest entry nina Bong, Bossing, at Judy Ann. Sa kanila nanggaling ang prediction na magiging number one sa box office ang pelikula kapag nagbukas ito sa mga sinehan sa December 25.

Nang-agaw ng eksena sa presscon ng Si Agimat, si Enteng Kabisote at si Ako ang child star na si Ryzza Mae Dizon, ang child star na parang matanda kung magsalita.

Feel na feel ni Ryzza na siya ang tunay na bida ng pelikula at suporta lamang niya sina Bong, Judy Ann, at Vic.

Ang Si Agimat, si Enteng Kabisote at si Ako ang unang pelikula ni Ryzza Mae na big star na big star ang drama. Bilib na bilib si Bossing kay Ryzza Mae dahil may sariling diskarte ang bagets. Hinding-hindi raw makakaranas ng gutom si Ryzza dahil sa abilidad nito.

vuukle comment

CLAUDINE

ENTENG KABISOTE

JUDY ANN

LAS VEGAS

MAMA PINKY

PACQUIAO

PINKY TOBIANO

RYZZA MAE

SI AGIMAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with