^

PSN Showbiz

Tapatang Superhuman sa Extra Challenge!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatlong matatapang at matitikas na lalaki na sina Troy Montero, Antonio Aquitaña, at Paolo Paraiso kasama ang ‘big momma’ comedian na si Petite ang magpapatibayan sa kanilang pagsabak sa kakaibang Extra Challenge serye na Superhuman ngayong weekend!

Para sa buena mano, ang host at primetime queen na si Marian Rivera mismo ang susubok sa unang hamon: ang Hanging Treadmill na may taas na 30-40 feet. Mapigilan kaya ni Marian ang mahulog?

Ang hamon para challengers: kailangan nilang magpatagalan sa pagtakbo rito habang nakabitin ito sa ere.  Sino sa kanila ang tatagal sa pagtakbo? Makayanan kaya ito ni Petite na higit sa 200 lbs ang timbang?

Pagkatapos sa ere, mabigat na hamon naman ang nag-aabang sa kanila: isang buong jeep na pampasahero ang kailangan nilang hatakin. Pero kada-limang metro, kailangang magsakay ng pasahero! Sino sa kanila ang mangunguna sa finish line at sino ang maiiwang naka-nganga? 

Para sa huling hamon: kailangang malampasan ng challengers ang question and answer portion habang kinukuryente sa Extra Challenge Silya Elektrika! Mas matagal na hindi masagot, mas matagal ding pagkuryente ang kanilang mararamdaman. 

 

 

vuukle comment

ANTONIO AQUITA

EXTRA CHALLENGE

EXTRA CHALLENGE SILYA ELEKTRIKA

HANGING TREADMILL

MAKAYANAN

MAPIGILAN

MARIAN RIVERA

PAOLO PARAISO

SINO

TROY MONTERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with