^

PSN Showbiz

Pumiyok-piyok: ‘Nahihiya ako’ – Regine!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Walang boses si Regine Velasquez sa kanyang Silver concert na ginanap last Friday night.

Umaga pa lang daw kasi ay wala nang boses ang songbird at masamang-masama na ang pakiramdam nito pero kailangan niyang ituloy ang celeb­ration ng kanyang 25th anniversary bilang singer.

Kaya ilang beses siyang pumiyok habang kuma­kanta at umiiyak, ayon sa mga nakapanood.

Pero hindi siya iniwan ng fans na dumagsa sa MOA Arena. Kaya naman kinailangang ipaiksian lang ang concert na matagal-tagal ding pinaghandaan ni Regine.

Pinilit naman daw talaga ni Regine na kumanta pero talagang walang lumalabas na boses at aminado siya sa nangyari.

Andun naman sina Lani Misalucha, Ogie Alcasid, and Janno Gibbs at tinawag ni Regine si Anton Diva na nakilala sa panggagaya sa kanya. Tinawag din daw niya sa stage sina Vice Ganda at John Lapus.

“Si Vice nagawa pa siyang i-goodtime as in sinabi niyang at least hindi lang siya ang concert diva na may pinakamaraming standing ovation, siya na rin ang may hawak ng pinakamaraming piyok sa concert,” kuwento pa nang nanood sa Arena.

Kaya naman nagpaliwanag si Regine sa nangyayari. Nahihiya raw siya at panay ang paghingi ng paumanhin.

Sa kanyang Twitter account walang katapusan ang pasasalamat ni Mrs. Alcasid.

 “Hi guys, nahihiya ako na ‘yun lang ang naibigay ko kagabi pero you guys stayed kahit nahihirapan kayong panoorin ako you guys stayed thank you.

“Maraming maraming salamat po sa pagmamahal na pinakita n’yo sa akin at sa aking buong pamilya.

“Yes I strangled doing the show but God was with me the whole time kasi kung ako lang, baka hinimatay na ko sa stage.

“Hiyang-hiya po ako pero wala po akong pinagsisisihan, kumanta ako kahit wala na akong maikanta kasi nandun kayo lahat.

“In God’s perfect time we will do this again and with His help He and I will give you a show you truly deserve.

“I also want to say thank you to my family who just supported me, my sister Cacai who was so strong and also such a trooper.

“Na napasubo sa FREE show. hahaha. sabi niya ok lang yan. This show was not just my show. Thank you to my brother in-low Raul......

“Who made most of the arrangements ang gagan­da pa naman, but you guys will appreciate it more sa repeat. I’m so proud of you bro ‪@RaulMitra

“Thank you so much to ‪@ryancayabyab salamat sa mga kuwento mo parang mapalakas ang loob ko.

‪”@ryancayabyab thank you for stan­ding there with me may kasama ako sa stage☺. thank you again Mr.  C.

“Lastly Kayo po ang dahilan kung bakit ako naririto tinulungan n’yo po ang buo kung pamilya naiahon kami sa hirap at kagabi binigyan n’yo po ako ng isa pang regalo na hinding-hindi ko makakalimutan, You guys were there cheering for me trying to enjoy whatever I can give pagmamahal po ang tawag ko don.

“Again MARAMING MARAMING SALAMAT PO!!God gave me all of you.

“See you guys at sabi Ni Martin ‪@4eversinging4u will call it ‪#silver-take2 sana po dumating kayo,” mahabang paliwanag ng ina ni Nate.

Sinabi na rin niya during the concert na puma­yag na ang MOA na magkaroon siya ng repeat na libre ang venue. Kung kailan ‘yun, hintayin na lang natin.

‘Di kaya nasobrahan ng diet si Regine at humina ang resistensiya niya kaya madaling kinapitan ng sakit? Ang payat na kasi talaga niya.

vuukle comment

AKO

ANTON DIVA

HE AND I

IN GOD

JANNO GIBBS

JOHN LAPUS

KAYA

LANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with