^

PSN Showbiz

Heart expert mang-iwan at magpaiyak ng lalaki, Sen. Chiz bagong biktima?!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - The Philippine Star

PIK: Magpapatalbugan sa Party Pilipinas ang mga naggagandahan at seksing cast ng bagong afternoon drama ng GMA 7 na Magdalena na sina Bela Padilla, Pauleen Luna, Lexi Fernandez, at Mayton Eugenio.

Pero hindi magpapahuli ang sexy ladies na sina Sam Pinto, Michelle Madrigal, Gwen Zamora, Ellen Adarna, at sina Rochelle Pangilinan, at Aira Bermudez sa kanilang hot number.

Magkakaroon din ng kilig moments sina Aljur Abrenica at Kris Bernal para sa kanilang The Coffee Prince na magsisimula na rin sa GMA Telebabad kinabukasan.

PAK: Tumangging magkomento si Sen. Bong Revilla, Jr. sa isyung Cyber Crime Prevention Law dahil ang latest na nabalitaan namin, babaguhin pa nila ito bago isabatas.

Gusto muna niyang pagkaabalahan ang suporta sa kandidatura ni Jolo Revilla na nag-file na nung Biyernes ng kanyang candidacy bilang vice governor ni Gov. Junvic Remulla ng Cavite.

Nag-file na rin si Rep. Lani Mercado na reelectionist na congresswo­man ng Bacoor at si Mayor Strike Revilla ng Bacoor din.

Wala namang kontra ang netizens sa ibinabang batas sa Cyber Crime, hindi lang nila matanggap ang paglusot ng “e-libel” na kung saan nasisikil na ang kanilang freedom of expression.

Pero mukhang mahabang balitaktakan pa ito dahil marami rin naman ang umaayon sa naturang batas. Abangan na lang natin kung ano ang kahihinatnan at kung matuloy ang amendment sa naturang batas.

BOOM: Ang galing mag-timing ni Sen. Chiz Escudero sa kanyang pag-amin tungkol sa namamagitan sa kanila ni Heart Evangelista.

Tamang-tama naman kasi sa pag-file ng kanyang candidacy bilang senador saka niya inamin sa Kris TV ang tungkol sa tunay na relasyon nila ng bida ng Luna Blanca.

Magaling lang talagang gumawa ng ingay si Sen. Chiz. Magaling din siyang pumili ng girlfriend para pag-usapan siya.

Kaya lang sa aming pagkakilala kay Heart, siya ang tipong nang-iiwan ng boyfriend at madalas na iniiyakan ng lalaki.

Napanood na namin ang pagluha nina Jericho Rosales at Daniel Matsunaga nang makipag-break sa kanila ang aktres.

Hindi ko pinangarap na mapanood si Sen. Chiz na umiiyak over Heart. Sana maganda ang kumbinasyon nila at kapwa makakatulong sa kanilang career ang kanilang relasyon.

vuukle comment

AIRA BERMUDEZ

ALJUR ABRENICA

BACOOR

BELA PADILLA

BONG REVILLA

CHIZ

CHIZ ESCUDERO

COFFEE PRINCE

CYBER CRIME

CYBER CRIME PREVENTION LAW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with