^

PSN Showbiz

Vice pinaglaruan ng kabadingan si Sen. Koko Pimentel

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - The Philippine Star

Literal na pinaglaruan ni Vice Ganda si Sen. Koko Pimentel nang mag-guest ang huli sa Gandang Gabi Vice (ABS-CBN) last Sunday night.

Leading sa isyu ng kabadingan ang mga tanong ni Vice Ganda sa senador na parang ang kapal ng foundation dahil ang puti ng mukha nang mag-guest sa nasabing programa.

Pero mukhang hindi naman na-offend ang senador kahit may question si Vice kung meron bang senador na hindi pa naglaladlad at kung nakakaamoy daw siya (ng bading).

Puwedeng i-deny ni Vice na hindi ‘yun ang ibig sabihin ng mga tanong niya pero ang mga nanood, kuhang-kuha na may gustong tumbukin sa mga tanong sa senador na bago pa man umere ang nasabing programa ay nai-promote na niya sa kanyang Facebook (fan page account) ang kanyang guesting.

I’m sure aware naman si Sen. Koko na may mga nang-iintriga sa kasarian niya kaya nabigyan ng kulay ang mga tanong sa kanya ni Vice na ang ginawa pang sample ay ang kanyang sarili.

Kamakailan lang naghiwalay si Sen. Koko at ang misis niyang ex-beauty queen na si Jewel May Lobaton.

Mark at Bianca kinakarir ang Luna Blanca

Mas maraming nagka-interes nang pumasok sa Book 3 ang Luna Blanca (GMA 7) na nagsimulang mapanood noong Sept. 10.

Isa sa mga rason ay ang malakas na love triangle nina Bianca King, Heart Evangelista, at Mark Herras na nanggugulo sa buhay nina Luna at Blanca (Heart and Bianca).

Naiintriga sila lalo na nang magka-gusto si Joaquin (Mark) kay Blanca (Bianca) habang may nararamdamang kakaiba si Luna (Heart). Bakit nga naman sa maitim na si Blanca siya magkakagusto.

Bukod sa kuwento, inaabangan din ang mga akting nila bilang ngayon lang sila nagkasama-sama.

Si Mark ay sineryoso ang akting ngayon. Na-realize na importanteng maging seryoso siya sa trabaho lalo na nga’t gumaganap siyang nagkasakit siya rito.

“Kasi for seven years na-comatose siya, so hindi niya namumukhaan si Blanca na ka-partner niya mula nung bata pa sila. Dapat nilang abangan kung papaano niya mare-recover ‘yung memories na nawala sa kanya,” sabi ni Mark sa kanyang role sa Luna Blana Book 3.

Nagsisilbing sequel ng 2008 GMA 7 series Luna Mystika ang Luna Blanca na dinidirek ni Dominic Zapata.

Kilalang magaling sa hatawan sa dance floor si Mark pero ngayon ay ipinakikita niyang hindi rin siya padadaig sa aktingan na nauna na niyang ipinakita sa Time of My Life, Langit sa Piling Mo, at Hiram na Puso.

Si Bianca naman ay napatunayan na may ibubuga rin nang bigyan siya ng breakthrough project na Sinner or Saint last year kung saan pinuri-puri siya for playing the role of the troubled Noemi Manansala. This year nagpasikat siya sa Broken Vow na sinubaybayan din. Kamakailan lang ‘yun nagbabu sa ere.

vuukle comment

BIANCA

BIANCA KING

BLANCA

BROKEN VOW

DOMINIC ZAPATA

GANDANG GABI VICE

LUNA BLANCA

SIYA

VICE GANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with