Matutina magpapatawa uli sa Bubble Gang
(The Philippine Star) - July 18, 2012 - 12:00am

MANILA, Philippines - Ang longest running gag show ng bansa na Bubble Gang ay magbibigay pugay sa Hari ng Komedya ngayong Biyernes.

Naghanda ng mga makukulay at masasayang segments ang programa para bigyang pagpapahalaga ang mga naiambag ni Comedy King Dolphy sa larangan ng komedya.

Magsasama-sama ang Bubble Gang barkada na sina Ogie Alcasid, Michael V., Rufa Mae Quinto, Antonio Aquitania, Maureen Larrazabal, Boy 2 Quizon, Diego, Moymoy Palaboy, Myka Flores, kasama ang Bubblets na sina Jackie Rice, Gwen Zamora, Ellen Adarna, at Sam Pinto para sa espesyal na episode. 

Makikibahagi rin sa nasabing episode si Matutina, isa sa mga orihinal na karakter sa John En Marsha. 

Panoorin ang Bubble Gang tribute para sa King of Comedy ngayong Biyernes pagkatapos ng Lie to Me sa GMA 7.

ANTONIO AQUITANIA BIYERNES BUBBLE GANG COMEDY KING DOLPHY ELLEN ADARNA GWEN ZAMORA JACKIE RICE JOHN EN MARSHA KING OF COMEDY MAUREEN LARRAZABAL MICHAEL V
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with