^

PSN Showbiz

Wesley kinasuhan sa Makapiling...

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Kinukumbinsi ni George si Graciela na tumestigo laban kay Louie. Alam ni George at Tino na si Graciela ang susi para maipagtanggol nila si Martin at makalaya. Pero takot pa rin si Graciela, alam n’ya ang nakaambang peligro sa oras na kumontra siya sa kagustuhan ni Louie.

Para kay Martin, noon pa n’ya natanggap ang kanyang sentensiya. Mas mahalaga sa kanya na ligtas ang kanyang lolo Tino kesa ipaglaban pa niya ang katotohanan at ang kanyang karapatan. Nagkita na rin si Leilani at Martin. Halata ang pananabik at tuwa ni Martin pero hindi komportable si Leilani.  Ibinibin­tang pa rin niya kay Martin ang pagkamatay ng kanyang ama. 

Magpapaliwanag si Martin pero hahadlangan siya ni Leilani. Sarado na ang isip ni Leilani. Hindi raw maibabalik ng paliwanag ni Martin ang buhay ng kanyang mga magulang. Malungkot si Martin. Hinayaan daw niya si Leilani na makaalis nang hindi man lang niya nailahad ang katotohanan sa likod ng pagkamatay ng ama ni Leilani. 

Naawa si Wesley kay Martin, nangako na tutulungan siya na mapakinggan ni Leilani. At tutulungan din daw niya si Martin na makalabas ng kulungan. Nagbago ang isip ni Graciela. Handa na siyang tulungan si Martin at tumestigo laban kay Louie. Pero matutunugan ito ni Louie. Bubugbugin ni Louie si Tino at itatali si Tino at George sa kuwadra. 

Nilakad ni Leilani na mapyansahan si Wesley pero bago pa niya ito magawa, nagpositibo ang baril na ginamit ni Wesley sa pagpatay ng tatlong pulis. Dinag­dagan ang kaso ni Wesley ng multiple murder.

Nilamon na ng tadhana ang pag-asa ni Martin na makamit ang katarungan. May natitira pa bang tsansa na makalaya siya?

‘Yan at marami pang iba ang mangyayari sa ser­yeng nagpapainit gabi-gabi, ang Makapiling Kang Muli starring Richard Gutierrez, Sarah Lahbati at Carla Abellana.

vuukle comment

ALAM

CARLA ABELLANA

GRACIELA

LEILANI

MAKAPILING KANG MULI

MARTIN

PERO

RICHARD GUTIERREZ

SARAH LAHBATI

TINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with