^

PSN Showbiz

Benjamin kumita sa pagtu-tutor sa mga Koreano

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - The Philippine Star

Suwerte ang pagbabalik-showbiz ni Benjamin Alves dahil sunud-sunod ang pelikula at sa August, may soap na siya sa GMA 7. Kasama siya sa mga pelikulang Guni-Guni at Ride to Love ng Regal Entertainment at Co?o Problem ng GMA Films na entry sa Metro Manila Film Festival.

Masarap kausap si Benjamin, magsalita pa lang, alam nang English Literature Summa Cum Laude graduate siya sa University of Guam. Heto pa, ang four-year course ay tinapos niya ng two years lang. While in school, naging English tutor siya sa mga Koreano and he loves Japanese Literature. Gusto niyang maging writer at magturo at mag-enroll ng Masters sa Writing o Linguistic at maging academician.

Pero gusto rin niyang umarte, kaya nasa showbiz siya at kung may kursong Filmmaking sa University of Guam, baka ‘yun ang kinuha niya.

Handa na rin sa intriga si Benjamin, may six years experience na raw siya.

Walang GF, pero crush ni Benjamin sina Marian Rivera, Carla Abellana at si Angel Aquino dahil iba ang aura at classic ang mga beauty.

Marian at Heart naudlot ang pagsasama

Akala namin magkasamang endorser ng Cathy Valencia sina Marian Ri­vera at Heart Evangelista nang mabasa ang tweet ng huli na bagong family niya ang Cathy Valencia. Ibig sabihin, may chance na magkita ang dalawa kung magkakasabay sa cli­nic na kanilang ini-endorse.

Nagtanung-tanong kami at nalamang ang Cedric’s Slimming na under sa Cathy Valencia ang ini-endorse ni Heart at si Ma­rian, ang ini-endorse ay hair removal. So, walang chan­ce na magkasama sila sa billboard. Si Dennis Trillo naman ang endorser ng Skin Care for Men.

Samantala, may bagong makakasama si Ma­­­rian sa Tweets for My Sweet, si Little Miss Philippines 2012 ng Eat…Bulaga na si Ryzza Mae Dizon. Gaganap siyang si Iluminada at masaya ang bagets dahil idol niya si Marian.

Frank at Saab magpapagalingan sa isang serye

Advantage kay Pia Ma­galona bilang manager ng mga anak na sina Frank at Saab Magalona na mag­kasama ang magkapatid sa Afternoon Prime na Hindi Ka Na Mag-iisa, makakatipid siya sa oras kung dadalaw siya sa taping .

Pang-apat na soap na ito ni Saab sa GMA 7 at kontrabida uli siya, sanay na siyang maging bad girl. Ipinagmamalaki nitong sina Kris Bernal, Ma­rian Rivera, at ngayon ay si Jennylyn Mercado ang kanyang aawayin at aapihin.

Ka-love triangle naman nina Jennylyn at Sid Lucero si Frank na first sa poor man’s role. Challenge rin sa binata na isa siya sa mga bida ng soap.

Sa Monday, bago ang Eat…Bulaga, eere na ang Hindi Ka Na Mag-iisa.

Teary-eyed si Saab nang mabanggit ang amang si Francis Magalona na minsan daw ay inaway niya, pero minahal pa rin siya ng lubos.

Gary V. pinuri-puri ng mga taga-nevada

Nakabalik na si Gary Valenciano mula sa three successful shows sa USA at soldout

pa ang show sa Pechanga sa second night at almost full ang next night. Si Gary din ang first Philippine act sa Montbleu, Lake Tahoe sa Nevada.                                                               

Sabi ni Philip Myles, an entertainment lawyer “Gary is the greatest entertainer in the world today” at sumang-ayon sa kanya si Don Griffin, president ng West L.A. Music.

Nag-travel ito for two hours to watch Gary sa Pe­changa show nito at ‘yun din ang ginawa ng Entertainment director ng Cache Creek na si Ben Slagt. 

vuukle comment

AFTERNOON PRIME

ANGEL AQUINO

BEN SLAGT

CATHY VALENCIA

HINDI KA NA MAG

SAAB

SHY

SIYA

UNIVERSITY OF GUAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with