^

PSN Showbiz

Jennylyn pasok sa papalit sa SC

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - The Philippine Star

PIK: Nagulat si Jennylyn Mercado nang tinanong siya ng mga movie reporters sa presscon ng Hindi Ka Na Mag-iisa tungkol sa nalalapit na pagtatapos ng Showbiz Central.

 “Hindi ko po talaga alam,” bulalas nito.

Hindi pa ito na-disccuss sa kanila ng production at wala namang sinabi sa kanya ang manager niya.

Pero kahit nawalan ito ng programa, sunud-sunod naman ang mga bago niyang gagawin sa GMA 7 dahil sa July 9 na nga magsisimula ang bagong afternoon drama niyang Hindi Ka Na Mag-iisa at malapit na ring magsimula ang Protégé: The Biggest Artista Break na kung saan isa siya sa regular hosts.

Ang latest pang nabalitaan namin, si Jennylyn pa rin ang isa mga hosts sa bagong talk show na ipapalit sa Showbiz Central.

PAK: Sa Twitter lang ngayon nagbabanta ang kilalang female singer sa dating karelasyon na isa ring kilalang male singer.

Kahihiwalay na rin kasi ni male singer sa kanyang huling karelasyon pero nag-iwan ng problema na maaring madamay si female singer.

Parang gustung-gusto nang magsalita ni female singer pero binibigyan pa niya ng pagkakataong maayos ito ni male singer. Dahil kung hindi, tiyak na magsasalita na si female singer. Kilala pa naman itong maingay at palaban.

BOOM: Totoo kayang pansamantalang iiwan muna ni Amy Perez ang programa niyang Face to Face dahil sa kanyang pagbubuntis?

Hindi pa namin nakumpirma kay Amy pero nabalitaan nga naming nagdadalangtao na ang TV host-actress.

Sobrang apektado kasi si Amy sa mga nahaharap niyang kasong pinag-usapan sa Face to Face kaya nagpaalam muna ito sa TV5 na magbakasyon muna siya para makapagpahinga at mag-focus sa kanyang pagbubuntis.

Ang hirap nga namang buntis na buntis ka, pawang away at kanegahan ang pinag-uusapan sa programa mo.

Gusto siyempre ni Amy na mga positibong bagay ang naa-absorb niya dahil sa kanyang kalagayan.

vuukle comment

AMY PEREZ

BIGGEST ARTISTA BREAK

DAHIL

HINDI KA NA MAG

JENNYLYN

JENNYLYN MERCADO

SA TWITTER

SHOWBIZ CENTRAL

SINGER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with