^

PSN Showbiz

Sarah ibubunyag ang numero unong lalaki sa buhay niya

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Ipagmamalaki sa buong mundo ni Sarah Geronimo ang pinakamamahal niyang lalaki sa buhay - ang kanyang ama na si Daddy Delfin Geronimo sa Father’s Day special ng solo musical variety show ng Pop superstar na Sarah G. Live! ngayong Linggo (Hunyo 17). Tampok ang bonding moments nila Sarah at Daddy Delfin sa Sige Go segment ng SGL. Makikisaya rin sa selebrasyon ang host ng inaabangang singing-reality competition na X Factor na si KC Concepcion na may inihandang smash-up dance number; at ang singing heartthrobs na sina JM de Guzman at Kean Cipriano na manghaharana sa mga TV viewers sa isang nakakakilig na kantahan. Samantala, kaabang-abang din sa SGL ang pagbabalik ng Princess and I lead star na si Enrique Gil bilang guest co-host ng Popstar; at ang muling pagbabahagi ni Sarah ng nilalaman ng kanyang puso sa kanyang statement song. Huwag palampasin ang trending at top-rating Sunday primetime show ng ABS-CBN, SarahG. Live pagkatapos ng Rated K.

vuukle comment

DADDY DELFIN

DELFIN GERONIMO

ENRIQUE GIL

KEAN CIPRIANO

PRINCESS AND I

RATED K

SARAH G

SARAH GERONIMO

SIGE GO

X FACTOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with