^

PSN Showbiz

Luis kandidato nang Dive Master

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - The Philippine Star

Open pala si Edu Manzano sa mga karelasyon ng dalawa niyang anak na sina Adi and Enzo.

In fact, sa tuwing lumalabas sila para mag-bonding madalas kasama ng dalawang anak nila ang boyfriend ni Adi at girlfriend ni Enzo.

Pero iba ang sa kaso ni Luis na bihirang-bihira na niyang makasama dahil tuwing may free time daw ito, madalas itong nasa dagat para mag-diving kasama ang karelasyong si Jennylyn Mercado.

At dahil nga raw madalas ang pagda-dive ni Luis, candidate na ang anak for dive master. “Nakausap ko ang isa sa mga trainer niya at siya ang nagsabi na malapit na ngang maging dive master si Luis. Kasi parati nga silang nasa dagat. ‘Yun ang maganda sa relasyon nila, marami silang common interest,” sabi ni Edu sa ginanap na tsikahan kasama ang tatlong host ng magsisimulang game show ng TV5 na Game ‘N Go sa Linggo, Father’s Day – Edu, Joey de Leon and Arnell Ignacio.

At dahil mga bagets pa naman ang mga anak niya, sagot niya lahat ng gastos tuwing lalabas sila.

Minsan na kasi niyang na-realize na nawalan na siya ng oras sa mga anak nang magsabi sa kanya si Adi na bihira na silang magkita so nga­yon sinisiguro niya na may oras siya sa dalawang anak na parehong artistahin ang aura pero ayaw pa niyang payagan at gusto muna niyang mag-concentrate sa pag-aaral tulad nang ginawa noon ni Luis na inuna ang school kesa sumabak agad sa trabaho sa showbiz.

Anyway, isang masaya at kakaibang tanghalian ang ihahatid nila. Wala nang urungan ang prog­rama na ilang beses na ring nausog.

Pinaghalong variety, game, at comedy sketch elements ang naturang show. Meron siyem­pre silang malalaking papremyo at bigating mga guest stars.

Sina Joey, Edu, at Arnell ay itinuturing na mga batikang game show host. Bukod sa Game ‘N Go, napatunayan na rin ni Joey   ang galing niyang mag­-host ng game shows tulad ng Celebrity Samurai at The Biggest Game Show sa TV5.

Si Edu naman ay naging kilala sa pagiging host ng ilang sikat na quiz shows. Para sa kanya, mahalaga sa isang game show host na mapangiti at mapasaya niya ang mga contestants gayundin ang mga manonood.

Matagal na ring kilala si Arnell bilang isang mahusay na game show host matapos itong mag-host ng mga game at trivia show. Matatandaang nagpamalas ng kakaibang galing si Arnell sa musika nang manalo ito sa celebrity edition ng Talentadong Pinoy.

Nagkasama na noon sina Joey at Arnell sa ibang programa, ngunit Game ‘N Go ang unang pagkakataon na magkakasama sina Joey at Edu. 

Makakasama nina Joey, Edu, at Arnell ang mga co-hosts na sina Gelli de Belen at Shalani Soledad-Romulo. Mapapanood ito sa TV5 tuwing Linggo ng tanghali.

So ano namang laban nila sa malalaking ma­ka­kabangga nila (ASAP Rocks and Party Pilipinas)? “Alternative program ang sa amin,” sagot ni Edu.

vuukle comment

ADI

ADI AND ENZO

ARNELL

BIGGEST GAME SHOW

CELEBRITY SAMURAI

EDU

GAME

LUIS

N GO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with