^

PSN Showbiz

Pacman biktima ng game fixing?!

SEEN SCENE - The Philippine Star

SEEN: Ang online petition para kay Nevada Governor Brian Sandoval mula sa mga tao na humihiling na imbestigahan at baguhin niya ang desisyon sa laban noong Sabado nina Cong­ressman­ Manny Pacquiao at Timothy Bradley, Jr. sa MGM Grand, Las Vegas, Nevada.

SCENE: Usap-usapan sa Las Vegas na biktima ng game fixing si Pacquiao dahil tumaas ang taya pabor kay Bradley bago nagsimula ang kanilang laban.

SEEN: Magkasamang pinanood ni Toni Gonzaga at ng kanyang boyfriend na si Paul Soriano ang Pacquiao-Bradley fight sa Las Vegas.

Anak si Paul ni Pastor Jeric Soriano, ang spiritual adviser ni Pacquiao.

SCENE: Natabunan ng kontrobersiyal na pagkatalo ni Pacquiao ang mga pasabog ni Iwa Moto laban kay Jodi Sta. Maria.

Si Jodi ang subject ng blind item noon ni Iwa tungkol sa Kapamilya actress na nakipagrelasyon sa kanyang “ex-husband” na si Mickey Ablan.

SCENE: Pilit ang pag-uugnay kina Mark Herras at Kris Bernal. Maganda ang kuwento at mataas ang rating ng kanilang teleserye na Hiram na Puso kaya hindi na kailangan na ma-link sina Mark at Kris para umingay ang programa nila.

SEEN: Ang Pilipinas ang nag-iisang Asian country na dadalawin ng Top 10 contestants ng American Idol Season 11. Ang Smart Araneta Coliseum ang venue ng Idol concert tour sa September 21.

SCENE: International lawyer ang sagot ni Senate President Juan Ponce Enrile sa tanong ni Kris Aquino tungkol sa senador na kontrabida niya sa senado.

Si Senator Juan Ponce Enrile ang guest kahapon ni Kris sa Kris TV.

vuukle comment

AMERICAN IDOL

ANG PILIPINAS

ANG SMART ARANETA COLISEUM

BRIAN SANDOVAL

IWA MOTO

JERIC SORIANO

JODI STA

JUAN PONCE ENRILE

LAS VEGAS

PACQUIAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with