Ruffa mas mukhang beauty queen pa rin kesa kay Gwendoline
Seen : Pasok sa Top 4 ng American Idol Season 11 ang Fil-Mexican singer na si Jessica Sanchez at hindi ito ikinatuwa ng fans ng eliminated contestant na si Skylar Laine.
Scene : Ngayon ang non-title boxing fight ni Ana “The Hurricane” Julaton kay Yolana “Le Negra” Segura sa Kanasin, Yucatan, Mexico.
Natalo si Ana sa kanyang huling laban noong March 2012 at misyon niya na mabawi ang WBO Female Super Bantamweight title na naagaw sa kanya ni Yesica Patricia Marcos ng Argentina.
SEEN: Ang balak ni Mo Twister na maglabas ng libro tungkol sa kanyang buhay at kasama sa libro ang kuwento ng love story nila ni Rhian Ramos.
SCENE: Ang red carpet premiere ng The Mommy Returns sa SM Megamall Cinema 9 sa May 8.
Lead actors ng The Mommy Returns sina Ruffa Gutierrez, Pokwang, at Gabby Concepcion.
SEEN: Nabigla at napakamot sa ulo si Jinkee Pacquiao nang tanungin ng mga reporter tungkol sa isyu na pinakamayaman na kongresista ang asawa niya na si Congressman Manny Pacquiao.
SCENE: Si Carlene Aguilar at ang kanyang mister na si Yo Ocampo sa isang restaurant sa Virra Mall Greenhills noong Huwebes.
Pumayat na si Carlene matapos isilang ang panganay nila ni Yo.
SEEN: Ang interview ni Ruffa Gutierrez kay 2011 Miss World 1st runner-up Gwendoline Ruais. Mas mukhang beauty queen pa rin si Ruffa kesa kay Gwendoline.
SCENE: Ang television news reports na magsisimula ang tag-ulan sa Pilipinas sa ikatlong linggo ng Mayo, ayon sa PAGASA.
Nagsimula nang umulan sa Metro Manila noong May 1 pa.
- Latest