^

PSN Showbiz

Umaatikabong sampalan sa Biritera

-

MANILA, Philippines - Lalong magagalit si Paco, ikukulong nito si Roseanne. Magagalit si Roseanne, gusto na niyang bumalik kay Remy pero tatakpan ni Paco ang bibig ni Roseanne at tuluyan nang ikukulong. 

Iyak naman nang iyak si Remy, labis na nag-aalala dahil sa naputol nilang usapan ni Roseanne. Lalabas ng banyo si Eric at malalaman nito ang ginawa ni Remy na pagtawag. Magagalit si Eric at ikukulong din si Remy. 

Samantala, naghihintay si Andrei sa kulungan. Hindi niya makontak si Eric. Aalaskahin pa siya ng ibang inmate pero walang magawa si Andrei. 

Pipilitin ni Eric na magpakahinahon, pilit naman siyang iintindihin ni Simang hanggang sa makarinig sila ng sigaw mula sa banyo kung saan ikinulong ni Eric si Remy. Pagbukas nila, laking gulat nila nang makitang dinurugo na si Remy. Agad nila itong isusugod sa ospital. Pero huli na ang lahat. Mawawala ang ipinagbubuntis ni Remy. 

Pupuntahan nila Jo at Jerome sina Paco. Magagalit sila kina Paco dahil sa ka­pabayaan nila. Kakausapin ni Jo si Rose­anne. Kunwari’y tutulungang maka­wala kay Paco pero hindi na maniniwala si Roseanne, kakagatin niya ang kamay ni Jo. Magdidilim ang paningin ni Jo at masasampal ng matindi si Roseanne at pa­nan­daliang mawawalan ng malay. Taranta silang lahat lalo na’t may pictorial ito para sa isang magazine cover. Mabuti na lang at magigising pa nila ito.

Walang makakapigil sa mga grabeng eksena ng Biritera gabi-gabi na pinagbibidahan nina Dennis Trillo at Roseanne Magan.

vuukle comment

AALASKAHIN

ANDREI

BIRITERA

DENNIS TRILLO

IYAK

JEROME

MAGAGALIT

REMY

ROSEANNE

ROSEANNE MAGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with