^

PSN Showbiz

'Sa ikabubuti ng marami ang nangyari sa amin ni Daniel' - Heart

- Veronica R. Samio -

Maluha-luha si Heart Evangelista at halos ayaw sagutin ang pangungulit sa kanya ng press hinggil sa hiwalayan nila ng Brazilian model na si Daniel Matsunaga.

Kung hindi lamang siya mapupulaan at lalabas na bastos ay gustong iwasan ng aktres na mapag-usapan muna ang problema niya tungkol sa puso. Pero napilitan din siyang sumagot ng “Sa ikabubuti ng marami ang nangyari. Wala namang kasiguruhan ang buhay, lahat ay nagbabago.”

Jose at Wally may fund raising para sa PMPC

Parang hindi nagsasawa ang  mga tao na panoorin ang tandem nina Jose Manalo at Wally Bayola. Nakikita na nila ito sa anim na araw sa isang linggo sa Eat Bulaga pero pinuno pa rin nila ang napakaluwang na Smart Araneta na nagtala ng may pinakamara­ming manood nung mag-concert sila! At parang hindi pa sila nasiyahan dahil ilang linggo lamang makalipas ang concert sa Araneta ay nagkaroon agad ito ng kasunod sa Zirkoh Morato. Kahit  ‘di hamak na mas maliit ang Zirkoh kumpara sa Araneta ay marami pa rin ang nanood. Hindi pa rin mahulugan ng karayom ang dumating para manood. Ang nakakatawa pa, halos lahat ng pumunta ng Zirkoh ay nandun din sa Araneta.  Mabuti na lamang at hindi inulit ng dalawa sa Zirkoh ang mga pinaggagawa nila sa Araneta. Sa halip ay bago ang repertoire nila. Bago ang script at  iba rin ang mga jokes na ginamit nila.

Napasaya na naman sila ng pinaka-bagong concert performers na kahit iisa pa lamang ang matatawag na major concert ay karapat-dapat nang tawaging come­dy concert  duo.

Sa malas, hindi magpapai­wan ang Philippine Movie Press Club o PMPC dahil sasak­yan nila ang kasikatan ng dalawa.

Back to the concert stage sina Jose at Wally, sa isang fundraising concert ng grupo ng mga entertainment writers na pinamagatang All for the Love of Juan (A Summer Special) at magaganap sa May 5, 9:00 ng gabi. Ang kikitain ay idadagdag sa pondo para sa medical assistance program ng club.

Kahit busy ang schedule nina Jose at Wally, hindi nag-dalawang isip si Malou Choa-Fagar, manager at bossing ng EB na ipahiram sa PMPC ang dalawang komedyante.

Makakasama nina Wally at Jose ang maganda at napakahusay na TV host na si Toni Gonzaga na hindi rin magpapatalo kung ganda ng boses ang pag-uusapan. Kilala ang dalawang komedyante sa pang-ookray kaya ang tanong, kakayanin ba ni Toni ang okray na gagawin nina Jose at Wally sa kanya?

Nariyan din sina Rocco Nacino, Albie Casino at Steven Silva. Maghahandog din ng awitin sina Michael Pangilinan, DK Valdez, The Frontmen, at Divalet.

Kasabay ng fundraising show ay ilulunsad na rin ang PMPC website na gawa ni Jojo Villaraza.

Para sa iba pang detalye, tumawag sa SM tic­kets– 4702222 o ‘di kaya sa PMPC office 7100352, or cp# 09215498931.

vuukle comment

A SUMMER SPECIAL

ALBIE CASINO

ARANETA

CONCERT

DANIEL MATSUNAGA

EAT BULAGA

HEART EVANGELISTA

JOJO VILLARAZA

ZIRKOH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with