^

PSN Showbiz

Bilang ng puwesto sa big night, nakasalalay sa housemates

-

MANILA, Philippines - Bago pa man makaboto ang taumbayan sa gusto nilang maging Big Winner ng Pinoy Big Brother Unlimited, isang pagsubok na pinamagatang Big Shot for a Big Slot ang pagdaraanan ng limang natitirang housemates na sina Biggel, Divine, Paco, Pamu, at Slater na siyang magpapasiya kung buo silang tatawid sa Big Night bilang Big Five.

Sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng PBB, nakasalalay sa housemates ang kanilang kapalaran na makapasok sa inaabangang PBB Unlimited: Big Night at the Grandstand na gaganapin sa Quirino Grandstand sa Maynila ngayong Sabado (Mar 31).

Kapag nabigo, isa sa kanila ang malalagas at Big Four o apat na lang ang pagbobotohan ng taumbayan para maging Big Winner, ngunit kapag nagtagumpay ay dadagdag ang isang puwesto sa Big Night at mabubuo ang Big Five. Ano kaya ang espesyal na task na ito?

Dahil naman sa pamamaalam ni Tin sa Bahay ni Kuya noong Sabado (Mar 24), naangkin niya ang dalawang puwesto sa tren­ding topics ng Twitter sa buong mundo. Nagulantang nga ang sambayanan nang pinangalanang siyang evictee na kadalasa’y na­nguna sa nakaraang mga botohan.

Kinapos sa suporta si Tin, na anak ng basketball superstar na si Alvin Patrimonio, na nakakalap lamang ng 11.50% ng mga boto laban kina Slater (14.16%), Pamu (17.26%), Paco (18.39%), Divine (19.20%), at Biggel (19.49%).

Sinu-sino kaya ang pasok sa Big Night?

vuukle comment

ALVIN PATRIMONIO

BIG

BIG FIVE

BIG FOUR

BIG NIGHT

BIG SHOT

BIG SLOT

BIG WINNER

BIGGEL

PAMU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with