^

PSN Showbiz

Kaya hindi na itinuloy, Gabby nag-demand ng malaking talent fee sa movie nila ni Mega

- Ni SVA -

MANILA, Philippines - Talent fee pala ang dahilan kaya hindi natuloy ang pelikula sanang pagsasamahan nina Megastar Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.

Ayon sa source, nag-demand ng increase ang actor na hindi na kinagat ng Viva Films. Dagdag pa ng source, nag-counter offer sila ng additional 50% sa original talent fee pero hindi raw pumayag ang kampo ng actor kaya nag-decide na lang ng kanselahin ang movie project ng dating mag-asawa.

Nauna nang ini-announce ni Ms. Sharon na naudlot nga ang pelikula nila ng aktor.

Eat Bulaga hindi pinayagang mag-apir si Willie Revillame

Nagpasabi pala talaga si Willie Revillame na gusto niyang mag-apir sa Eat Bulaga last Monday bilang suporta sa programa na tinapatan ng It’s Showtime ng ABS-CBN. Pero ayon sa isang source, hindi pumayag ang mga taga-EB. Confident sila na hindi na kailangan ang suporta ni Revillame dahil sila pa lang ay kayang-kaya na nila.

True enough naman, nanalo pa rin sila laban sa inilipat na programa sa noontime slot.

Eh kung pumayag pa nga naman silang maglaro si Revillame, for example sa Pinoy Henyo, baka i-claim niya pang siya ang nagpa-rate sa programang hindi natitibag.

vuukle comment

EAT BULAGA

GABBY CONCEPCION

MS. SHARON

PINOY HENYO

REVILLAME

SHARON CUNETA

VIVA FILMS

WILLIE REVILLAME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with