Angelica tinanggihang makatrabaho si derek!
While many girls, or women for that matter, ay malalaglag ang panty (pardon the words) sa unang encounter nila kay Derek Ramsay, si Angelica Panganiban ay tumangging makasama ito sa unang pagkakataon sa Maalaala Mo Kaya dahil she thought he was too old for her. Walong taon ang pagitan ng edad nila. It was Derek who was excited to see her sa set ng pinakamatagal na drama anthology ng ABS-CBN and was too disappointed when Angelica didn’t show up.
Sa isang frisbee event ni Derek unang nagkita ang dalawa. Agad naguwapuhan si Angel kahit madungis si Derek at naka-shorts, t-shirt, at cap lamang.
Pero si Derek naghintay pa ng isang taon bago niligawan ang aktres. At ang pagiging magkaiba ng mundo nila ay hindi nakapigil para i-pursue ng actor/athlete ang aktres at ang relasyon nila ay umabot na ngayon ng limang taon.
Drama vs cooking show nagbabakbakan sa tanghali
Tingnan nga natin kung anong klaseng palabas ang papatok sa mga manonood sa telebisyon – ang isang cooking show ng GMA 7 o isang drama ng ABS-CBN?
Kahit hindi na kinakailangan ng Eat Bulaga ang isang malakas na pre-program, hindi rin maiaalis sa mga taga-GMA na mag-alala na baka pumatok ang pagpasok ng isang serye ng Dos para mahikayat ang mga manonood na ipagpatuloy ang kanilang panonood maski pagkatapos ng Mundo Man ay Magunaw na magiging beneficial sa pagpasok sa noontime slot ng Showtime. Baka rin magsimula ng trend ng panonood ng serye sa umaga ang pagpapalabas ang drama series.
Kaalaman sa batas ng mga tao nadagdagan dahil kay Atty. Perci
Tingnan mo nga naman at kahit nagagawa ng mahusay ni Atty. Percida Acosta ang kanyang gawain bilang pinuno ng Public Attorney’s Office o PAO, sumasabay na rin ang pagkilala sa kanya bilang host ng isang matagumpay na programa na napapanood sa TV5, ang Public Atorni.
Matapos ang mahigit sa isang taong paglutas ng mga kaso sa programa niyang Public Atorni: Asunto o Areglo tuwing Huwebes ng gabi, ay napagpasyahan na gawing araw-araw ang programa. Nagsimula na ito nung Lunes sa bagong oras nitong 4:30 p.m. Inaasahan na hindi lamang lolobo ang bilang ng mga kasong nalulutas ng kanyang opisina na noong nakaraang taon, 2011, ay nagtala ng 78.48 % favorable disposition rate kundi dumami rin ang bilang ng mga taong natuto ng kaalaman sa batas.
Ngayong hapon, kaso ng paglabag sa Anti-violence Against Women and Children Act ang pag-uusapan. Ayon sa reklamo ng isang nagngangalang Margarita na kung kailan pa nagkaedad ang kanyang asawang si Gorgonio at saka pa ito nagtaksil sa kanya. Bukod sa tumigil na ito ng pagsuporta sa kanya ay nananakit pa.
Sa pagsosolusyon sa mga kaso, kasama ni Atty. Acosta ang Boses ng Masa na si MJ Marfori bilang mediation reporter na pupulso sa opinyon ng taong bayan hinggil sa pinag-uusapang kaso.
Club Mwah dinayo nina Rachel Weisz at Katy Perry
Nagulat pa ang administrador at may-ari ng Club Mwah na si Pocholo Mallilin na nandun sa kanyang lugar ang sikat na Hollywood actress na si Rachel Weisz at nanonood ng Bedazzled, ang palabas na dinarayo lalo na ng mga dayuhan sa Club Mwah.
Walang pasabi sa kanya na manonood ito ng show. Basta na lang dumating ito at kung gaano katahimik at walang funfare ang pagdating nito ay ganun din ang ginawang pag-alis nito. Had he known, he could have given her and her group a special treatment pero ito siguro ang gusto ng Hollywood actress, ang hindi siya pagkaguluhan kaya hindi na ito nagpasabi.
Masaya si Pocholo na bukod kay Rachel, nanoood din sa Bedazzled at naging bisita ng Club Mwah ang sikat na international singer na si Katy Perry.
Kabilang na sila sa mahahabang listahan hindi lamang ng mga celebrities kundi maging ng mga matataas na public officials na bumisita ng bansa.
- Latest






















