^

PSN Showbiz

Gulo sa kasalang Roman at Shalani idinenay ni Mrs. Villar

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Ay hindi naman pala totoong hindi nakaupo sa reception ng kasal nina Rep. Roman Romulo at Valenzuela Councilor Shalani Soledad kamakailan ang isa sa mga ninang nilang si da­ting Las Piñas Representative Cynthia Villar. Siya mismo ang nag-deny sa mga naglabasang issue na napilitan siyang umalis sa reception sa Nuvali dahil hindi raw siya nabigyan ng upuan kaya hindi na lang siya kumain at nag-walk out. “No, hindi totoo ‘yun,” casual niyang sagot.

In fact, ka-table pa nga raw niya si Madam Lovely Romulo, mother ni Cong. Roman so paanong wala siyang mauupuan. Besides may mga designated chairs ang mga ninong at ninang kaya hindi raw ‘yun totoo.

Lumabas kasi kamakailan na naging magulo ang reception ng kasalan ng bagong mag-asawa na hindi naman pala totoo.

Maging ang anak ni Madam Cynthia na si Camille na kasama sa nasabing kasalan ay walang matandaang may nangya­ring kaguluhan sa reception dahil comfortable daw siya sa kinauupuan.

Kuwento pa ni Madam Cynthia sa isang tsikahan kahapon with the entertainment press na ipinatawag ni Nay Lolit Solis, 9:30 p.m. na silang nakakakain pero marami naman silang nakaing pandesal.

After the dinner at na-feel niyang para sa mga bagets na ‘yun, I mean hindi na para sa mga ninang, saka lang umalis si Ninang Cynthia nina Roman and Shalani.

Eh ano naman po ang regalo mo sa bagong kasal?

“Secret na lang,” nakangiting sagot ni Madam Cynthia.

Anyway, showbiz na showbiz na rin ang wife ni Sen. Manny Villar dahil sa anak nilang si Camille na isa nang Kapatid host.  

So far naga-adjust pa raw ang anak.

Ay nabanggit nga pala ni Madam Cynthia na gagawin ding condo ang Laurel House na nabili ng kumpanya nila at hindi ng pamilya niya. Ititira lang daw ang mga importanteng part ng bahay na ipina-renovate na lang nila kesa mag-renta sila na kung saan puwedeng mag-entertain ng bisita noong kasagsagan ng kampanya nang tumakbong pangulo si Sen. Villar.

Pag-aari ng mga ninuno ng Laurel ang nasabing bahay na 6,000 square meters pero two years pa bago gawing condo.

Bahay na puti ang tawag sa nasabing bahay.

 

Ellen nagbabanta kay Sam!

Mukhang tina-target ni Ellen Adarna na maging Philippines’ hottest ngayon 2012.

Balitang na-break ni Ellen ang attendance ng autograph signing session ni Cristine Reyes para sa men’s mag na FHM nang magkaroon siya ng autograph signing dahil siya nga ang cover ng January issue.

 Siya na rin kaya ang papalit sa trono ni Sam Pinto bilang Sexiest Woman ng 2012?

 

Aktor sa Amerika namili ng mga ari-arian

Sa Amerika pala nakaipon ng maraming ari-arian ang isang sikat na aktor. Doon daw ito nag-invest nang nag-invest galing sa mga kinita niya rito sa bansa.

Ang nanay at mga kapatid daw ng aktor ang nag-asikaso sa mga properties.

Kung sabagay, malaki ang kita ng aktor na ito dahil sunud-sunod ang mga project niya at in demand na endorser.

Kaya nga kahit daw iniintriga ito, wa care ang actor. Marami na raw itong datung at hindi nag-aalala kahit mawalan pa siya ng trabah o.

vuukle comment

CAMILLE

CRISTINE REYES

ELLEN ADARNA

LAS PI

LAUREL HOUSE

MADAM CYNTHIA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with