^

PSN Showbiz

Shalani at Camille gino-goodtime, parang nasa prayer meeting pag-magkasamang nagho-host!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

May natutunan ako kahapon mula kay former Congresswoman Cynthia Villar nang magkita kami kahapon sa lunch date namin sa Laurel House.

Nagulat ang entertainment press nang dumating si Mrs. Villar sa Laurel House dahil ang laki ng ipinayat niya.

Ang sabi ng butihing misis ni Sen. Manny Villar, nag-umpisa ang kanyang pagpayat noong 2010 elections. Na-discover daw niya na mabilis makapayat ang madalas na pagkain nang konti.

Kitang-kita na effective kay Mama Cynthia ang kanyang naging eating habit dahil malaki ang nabawas sa timbang niya.

Sa madaling-salita, may pag-asa pa ako na pumayat kung magkakaroon ako ng disiplina na huwag kumain ng marami. Never na naranasan ni Mama Cynthia na magutom dahil regular ang kanyang pagkain pero pakonti-konti nga lang.

Marami kaming napagkuwentuhan ni Mama Cynthia tungkol sa pulitika at sa showbiz career ng kanyang unica hija na si Camille na co-host ni Willie Revillame sa Wil Time Bigtime.

Napa-smile lang si Mama Cynthia sa mga tsismis na nagli-link kina Camille at Willie dahil wala itong katotohanan.

Very close si Willie sa mga Villar kaya kapamilya ang trato sa kanya nina Papa Manny at Mama Cynthia.

Very supportive pa si Willie kay Camille na hindi na apektado ng mga tsismis dahil parang kuya lamang niya ang sikat na TV host.

May blessing nina Papa Manny at Mama Cynthia ang pagpasok ni Camille sa Wil Time Bigtime pero hanggang hosting lamang ang puwedeng gawin ng kanilang anak. Hindi ma-imagine ni Mama Cynthia na umaarte sa harap ng mga kamera si Camille.

Walang negosasyon na namagitan sa Villar family at kay Willie. Pumayag agad sina Papa Manny at Mama Cynthia nang alukin ni Willie na maging mainstay ng Wil Time Bigtime si Camille. Walang pinag-usapan na kontrata o talent fee dahil happy sila na magkaroon ng part ang kanilang anak sa show na maraming tao ang natutulungan.

Walang conflict sa schedule ni Camille ang Monday to Saturday appearance niya sa Wil Time Bigtime dahil sama-sama pa rin silang kumakain ng dinner ng kanyang mga magulang. Ang sabi ni Mama Cynthia, hinihintay nila na matapos ang show at saka sila nagkikita-kita nina Papa Manny at Camille sa isang restaurant para mag-dinner.

Nagsalita nang tapos si Camille na hanggang TV hosting lamang siya. Hindi rin ma-imagine ni Camille na umaarte ito sa isang teleserye.

Tawa nga siya nang tawa nang mapag-usapan ang pagkanta niya sa birthday presentation ni Willie sa Wil Time Bigtime noong Jan. 27.

Hindi marunong kumanta si Camille pero napilitan ito dahil required na magbigay ng sample ang lahat ng mga co-hosts ni Willie.

Naloka si Camille dahil pagkatapos ng very short song number niya, pinansin ni Willie ang kanyang “pagtula.”

Mahinhin at malumanay kumilos at magsalita si Camille. Parehong-pareho sila ni Shalani na prim ang proper. Hindi mapigilan ni Willie na magbiro na parang may prayer meeting sa Wil Time Bigtime sa tuwing magkasama sa hosting sina Camille at Shalani Soledad.

vuukle comment

CAMILLE

CYNTHIA

DAHIL

LAUREL HOUSE

MAMA

MAMA CYNTHIA

PAPA MANNY

WIL TIME BIGTIME

WILLIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with